Kasunod ng brutal na pagpatay kay Killua, isang golden retriever sa Camarines Sur, nangako ang mga mambabatas sa House of Representatives na palalakasin ang batas para sa kapakanan ng mga hayop sa Pilipinas.
“I do share the sentiments of Senator Grace Poe,” pahayag ni Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez, isa ring dog owner. “My heart bleeds when I heard about the news.”
Nauna rito, sinabi ni Sen. Poe na siya ay nagalit at nadurog sa puso nang malaman ang tungkol sa kaso ni Killua, na brutal na pinatay ng isang lalaki, na sinasabing hinabol ng aso ang kanyang anak.
Ipinangako rin ni Suarez ang kanyang suporta para sa mga pagsisiyasat at mas mahigpit na parusa para sa kalupitan sa hayop.
Ayon naman kay House Assistant Majority Leader Raul Angelo “Jil” Bongalon, dapat nang bisitahin ang Animal Welfare Act.
”And as mentioned, the maximum penalty of imprisonment for the violation, for instance, sa killing of an animal is 6 months to one year of imprisonment, with the penalty or a fine of not exceeding 100,000 pesos,” aniya.
Kinondena rin ni Davao Oriental Representative Cheeno Almario ang akto, na tinawag ang pagpatay kay Killua na “tantamount to straight-up murder.” Nagpahayag din siya ng suporta sa anumang batas na nagpapataas ng mga parusa para sa kalupitan sa hayop.
“It really hurts as an animal lover na bakit iyon pa ang ginawa ano? I’d understand siguro kung tinakot niya para hindi lumapit. Konting pitik lang para lang umalis. Pero to kill the animal already speaks of the motive, that there is really an intent to end the life of that animal,” aniya.
Photo credit: Facebook/arazasvina, House of Representatives Official Website