Muling iginiit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na hindi isusuko ng Pilipinas si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC), sa kabila ng pagiging kumplikado ng kanilang relasyon.
Sa isang presidential forum na inorganisa ng Foreign Correspondents Association of the Philippines, sinagot ni Marcos ang mga tanong tungkol sa kanyang paninindigan hinggil sa posibleng arrest warrant ng ICC para kay Duterte.
“We don’t recognize the warrant that they will send to us… That’s a no.”
Ipinaliwanag ng pangulo ang posisyon ng bansa at sinabing ang gumagana pang judicial system at law enforcement ang mga pangunahing dahilan sa pagtanggi ng bansa sa hurisdiksyon ng ICC. Binigyang-diin niya na ang mga tuntunin ng ICC ay hindi naaangkop sa Pilipinas dahil ito para lamang sa mga bansang may hindi na gumaganang mga institusyon,.
Tungkol naman sa kanyang relasyon sa angkan ni Duterte, inilarawan ito ni Marcos bilang “complicated.” Gayunpaman, nilinaw niya na ang working relationship niya kay Vice President Sara Duterte-Carpio ay hindi nagbabago.
Pinuri pa niya ang dedikasyon ng Bise Presidente sa kanyang tungkulin sa gitna ng mga kontrobersiya, at sinabing, “I have… the most contact with is Inday Sara and how we were with each other during the campaign, after the election… has not really changed.”
Photo credits: Facebook/pcogovph, Presidential Communications Office Official Website