Sunday, November 24, 2024

Lagapak! FPRRD Naungusan Ni Doc Willie Sa 2025 Senatorial Race Survey

339

Lagapak! FPRRD Naungusan Ni Doc Willie Sa 2025 Senatorial Race Survey

339

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Mula No. 1, ngayon ay pumangalawa na lang sa listahan si former president Rodrigo Duterte matapos siyang malagpasan ni Doc Willie Ong sa pinakabagong 2025 Senatorial Elections survey.

Kamakailan lamang ay inilabas ng political consultancy firm na PUBLiCUS Asia Inc. ang kanilang PAHAYAG first quarter survey na nagpapakita ng mga pangalan ng mga politiko na posibleng iboto ng mga Pilipino sa senatorial elections sa susunod na taon.

Para sa unang quarter ng taon, naging mas maganda ang predisposition ng mga botante kay Ong matapos niyang masungkit ang unang pwesto sa survey na nakuha ni former president Duterte noong 2023.

“Out of 54 names in the list, cardiologist Doc Willie Ong emerges as the leading candidate for the 2025 senatorial elections, capturing 41 percent of the top-of-mind vote,” pahayag ng PUBLiCUS Asia Inc.

Noong nakaraang taon, halos dikit ang laban ni Duterte at Ong na may halos isa hanggang dalawang puntos na pagitan lang.

Sa recent survey, si Ong ay nakakuha ng 41% voting predisposition sa mga botante samantalang si Duterte naman ay nakakuha ng 38%, mas mababa ng 10% sa survey noong 2023.

Dagdag pa ng naturang resulta ng survey, may mga lugar kung saan naitala ang biglaang pagbaba ng voter’s preference ng mga Pilipino kay Duterte. “The decline in Duterte’s support is particularly pronounced in North-Central Luzon (NCL) and South Luzon (SL), dropping from 44% to 31% and 42% to 25%, respectively,” sabi ng PUBLiCUS Asia Inc.

Ang mga sumunod na pangalan kay Doc Ong at Durterte ay sina Rep. Erwin Tulfo, Sen. Christopher ‘Bong’ Go, dating mga senador na sina Vicente ‘Tito’ Sotto at Panfilo ‘Ping’ Lacson, Sen. Ronald ‘Bato’ dela Rosa, Sen. Maria Imelda ‘Imee’ Marcos, dating Manila mayor Francsico ‘Isko’ Moreno, former vice president Maria Leonor ‘Leni’ Robredo, Defense Secretary Gilbert ‘Gibo’ Teodoro, at Sen. Pilar Juliana ‘Pia’ Cayetano.

Photo credit: Facebook/DocWillieOngOfficial, Facebook/rodyduterte

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila