Sunday, November 24, 2024

Unfair! Tuguegarao Mayor Umalma Sa Fake News Tungkol Sa Mga Chinese Sa Lalawigan

210

Unfair! Tuguegarao Mayor Umalma Sa Fake News Tungkol Sa Mga Chinese Sa Lalawigan

210

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Umapela si Tuguegarao City Mayor Maila Ting Que sa mga fake news tungkol sa pagdami ng mga banyagang nag-aaral sa Cagayan.

Sa panayam ng ABS-CBN News, mariing sinabi ni Ting Que na hindi dapat mabahala ang gobyerno at taumbayan sa pagdami ng Chinese students sa kanilang lugar dahil dati pa man, kilala na ang lalawigan na tumatanggap ng mga exchange students.

Ayon sa kanya, labis ang magiging epekto ng isang resolusyon sa Kamara na naglalayong imbestigahan ang dumaraming bilang ng mga Chinese student sa bansa sa mga universities at iba pang eskwelahan lalo na sa mga kilalang educational institutions.

“Napaka-unfair sa mga eskuwelahan who worked so hard to achieve what credibility they have now. […] We are very very disappointed by what has come out kasi we’ve been fighting so hard to promote,” pahayag ng mayor.

Dagdag pa niya, matagal nang namamalagi ang iba’t-ibang nationalities sa lalawigan para mag-aral dahil na rin sa dekalidad na edukasyon na nakukuha nila sa bansa.

“This authority given to selected universities to enroll foreign students is the reason why there is a significant number of students from India, Indonesia, Nigeria, Thailand, Nepal, Korea, and other countries in Philippine schools,” saad ni Ting Que.

Nilinaw din niya sa isang Facebook post na ang kanyang pahayag patungkol sa isyu ay hindi naglalayong ipakita na tutol siya sa kasalukuyang Enhanced Defense Cooperation Agreement. “[W]inelcome po natin ang US, Canada, Australia, Europe, wala po tayong pinipili sa ating siyudad.”

Inalmahan din ng mayor ang nasabing resolusyon dahil ang pag-sumite raw nito sa Kamara ay hindi dumaan sa tamang proseso o hindi dumaan sa local governments sa lalawigan. “Wala man lang intra or inter-governmental courtesy na ginawa itong congressman na ito.”

Sa kabila nito, nananawagan din siya sa mga Pilipino na maging mausisa sa paggamit ng social media lalo na sa usapin tungkol sa isyung ito dahil sa pagdami ng fake news na maaring magpakita ng racism sa ibang nationalities. “We denounced what happened over the West Philippine Sea pero let us also remain calm and be very careful of our pronouncements on social media specially. Kasi mayroong ibang tao hindi nakakaintindi. Nauudyukan, nagagatungan yung galit. Kapag nagatungan, baka kung ano ang gawin.”

Photo Credit: Facebook/MailaTingOfficial

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila