Sunday, November 24, 2024

‘PINAA’ SI MIGZ? Binay Binatikos Ang ‘Pagsipa’ Umano Ni Revilla Kay Zubiri

837

‘PINAA’ SI MIGZ? Binay Binatikos Ang ‘Pagsipa’ Umano Ni Revilla Kay Zubiri

837

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Umariba si Senator Nancy Binay sa isyu tungkol sa sinasabing dahilan ng pagpapatalsik kay Senador Miguel Zubiri bilang Senate President.

Tila pinagtawanan at pinabulaanan ni Binay na ang “pagkakasipa” kay Zubiri sa dating pwesto ay nag-ugat lamang sa foot injury ni Sen. Bong Revilla.

“Medyo weird lang kasing isipin na sa dinami-rami ng conspiracy theories na nagsilabasan sa likod ng Senate coup, isang paa lang pala ang dahilan kung bakit nasipa at natanggal sa pwesto si Sen. Migz,” paliwanag ni Binay.

Nagsimula ang nasabing espekulasyon nang inilantad ni Sen. Bato dela Rosa sa isang interview na hindi pumayag si Zubiri sa request ni Revilla na virtual attendance kahit na may iniinda siyang sakit sa paa dahil sa Achilles tendon wound.

Anila, masyadong dumidepende ang dating senate president sa mga makalumang patakaran sa Senado at hindi makatarungan na pilitin na dumalo si Revilla sa physical hearings sa kabila ng kanyang karamdaman.

“When Senator Migz denied Revilla’s request, that triggered the ‘artista’ bloc and caused them to harbor ill feelings against him,” sambit ni Dela Rosa.

Para kay Binay, ito ay mababaw na basehan dahil aniya, ginagawa lang ni Zubiri ang kanyang tungkulin at may mga mas malalim pa na isyu na dapat pagtuunan ng pansin.

“Kung ‘yung paa ang dahilan ng pagkatanggal sa pwesto ni Sen. Migz, masasabi natin thay they have really put their best foot forward,” banat niya.

Dahil dito, naglabas na ng kanyang saloobin si Revilla at natatawang sinabing hindi lang ito ang maaring dahilan kung bakit bumoto ang Senado na sibakin sa pwesto si Zubiri.

“Move forward na lang tayo. Pwedeng isa sa naging trigger, pero bago ‘yan, marami nang problema,” paglilinaw ni Revilla sa isang media interview.

Naging isang malaking kontrobersiya ang planong pagpapatalsik kay Zubiri bilang senate president dahil inunahan na niya ito at kusang nagbitiw sa nasabing puwesto.

Matapos ang rigodon sa Senado, pumalit kay Zubiri bilang senate president si Sen. Chiz Escudero. Sa kabila nito, nandigan pa ring pumanig ang ilang senador kay Zubiri tulad nila Senators Nancy Binay, Sonny Angara, JV Ejercito, Sherwin Gatchalian, Joel Villanueva, at Loren Legarda.

Photo credit: Senate of the Philippines official website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila