Saturday, November 9, 2024

MARCOS KONTRA MARCOS! Senador Imee ‘Sinupalpal’ Ang Kapatid Na Si PBBM

861

MARCOS KONTRA MARCOS! Senador Imee ‘Sinupalpal’ Ang Kapatid Na Si PBBM

861

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tila ikinahiya ni Senador Imee Marcos ang naging pahayag ng kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos sa umano’y paratang nito na walang naimbang na tulong ang Duterte administration sa mga naging biktima ng bagyong “Yolanda” noong taong 2013.

“Nahihiya ako sa mga tumulong sa amin sa Tacloban noong hinagupit kami ng bagyong ‘Yolanda,’ sa sinasabing wala rang silang nagawa,” aniya matapos tila patamaan ni Pangulong Bongbong ang administrasyong Aquino at Duterte matapos niyang sabihing marami pang kailangang ayusin upang makabangon ang mga naging biktima ng hagupit ng bagyong “Yolanda” sa Leyte.

Aniya, sa loob ng mahigit sampung taon, ngayon lamang nagkakaroon ng paggalaw sa mga rehabilitation efforts para sa “Yolanda” victims.

“Hindi natin masasabi na nakapag-fully recover na tayo sa ‘Yolanda.’ We only really started two years ago because nothing was done in the previous administration [and] nothing was done in the administration before that,” saad ng presidente sa isang media interview.

Kinontra naman ito ni Senador Imee nang sabihin niyang malaki ang naiambag ng administrasyong Aquino at Duterte sa mga nasalanta ng bagyong “Yolanda” sa Tacloban. Aniya, isa si dating Duterte, na noon ay mayor ng Davao City, sa nanguna na naghatid ng tulong sa lalawigan.

“Unang dumating noong 2013 si Mayor DU30 sampu sa kanyang disaster brigade , at itinuloy niya ang housing noong siya’y umupo bilang pangulo,” pahayag niya sa kanyang Facebook post.

Diin pa ni Sen. Marcos, hindi dapat balewalain ang mga naiambag ng dating administrasyon sa naturang rehabilitasyon sa Tacloban, Leyte dahil naging daan sila sa kung ano ang mga ipinagpapatuloy na proyekto ng kasalukuyang administrasyon.

Dagdag pa ni Senador Imee, “Alam kong marami pang kailangang gawin at umaasa akong magtutulungan ang national government at LGU [local government] sa dagdag pang mga programang ipapatupad sa Tacloban.”

Sinuportahan naman ito ng dating Presidential Legal Counsel ni Duterte na si Salvador Panelo at sinabing “misinformed” ang Pangulong Bongbong sa mga nagawa ng mga dating administrasyon.

“Sometimes in 2020, the remaining budget for the 45,000 housing units was released. These were built and awarded to the victims-beneficiaries during the pandemic. The record shows that at the end of the term of PRRD, about 85% of the targeted figure of 205,000 housing units have been distributed,” paglilinaw ni Panelo.

Matatandaang ang bagyong “Yolanda” ay tumama sa Pilipinas noong 2013 sa panahon ni former President Benigno Aquino. Sa matinding hagupit nito, ang rehabilitasyon sa kabuhayan ng mga nasalanta ay umabot hanggang sa termino ni Digong.

Photo credit: Facebook/ImeeMarcos, Facebook/BongbongMarcos

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila