Sunday, November 24, 2024

SUPREMO KONTRA TSINA! POGO Investigation, Giit Ni Lapid

1311

SUPREMO KONTRA TSINA! POGO Investigation, Giit Ni Lapid

1311

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nagpapatawag ng masusing imbestigasyon si Senador Lito Lapid sa nangyaring pagsalakay ng Presidential Anti-Crime Commission (PAOCC) sa isang Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Pampanga kung saan may naitalang kaso ng torture.

“Yung reports na nakuha sa atin, initial report for rescue was may mga tinotorture dito. Pinapalo ng mga baseball bat at pinagtatadiyakan dito. Meron tayong isang video na diumano babae na pinagsasayaw dito at pinagpapasahan ng mga boses,” saad ni PAOCC spokesperson Winston Casio.

Dahil dito, nanawagan si Lapid na dapat na malaman kung sino ba ang mastermind sa likod ng mga kaganapan na ito pati na rin ng “leaked documents” sa raid sa Pamapanga.

“Nararapat na magsagawa ng masusing imbestigasyon upang malaman kung sino ang mga taong tunay na nag mamay-ari ng mga lupa at mga building na ginagamit sa POGO at ang kompanyang nagpapatakbo dito nang sa ganun malaman ang buong katotohanan kung sino talaga ang nasa likod ng mga POGO,” aniya.

Dagdag pa ng mambabatas, dapat maging maingat sa mga impormasyong lumalabas kaugnay ng POGO para na rin hindi nadadamay ang mga inosenteng indibidwal sa imbestigasyon.

“[M]aging responsable at mapanuri, bago magpahayag ng mga walang basehang akusasyon, nang sa ganoon ay maiwasang mapagbintangan ang mga inosente at walang kasalanan.”

Pinuri naman ni Lapid ang mas malalimang imbestigasyon ukol sa isyu na ito at ibinida ang mabuting trabaho ng PAOCC.

“Ang mga karumal-dumal na krimen na nadiskubre sa POGO raid sa Bamban, Tarlac at Pampanga ay hindi lamang nararapat na kondenahin kundi kailangan din ng mabilis na aksyon mula sa pamahalaan upang mapanagot ang mga nasa likuran ng mga gawaing kriminal, kaakibat rin ang pagbalangkas ng mga bagong polisiya laban sa illegal na POGOs at iba pang kahalintulad na operasyon sa bansa,” pahayag niya.

Photo credit: Facebook/SenadorLitoLapid

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila