Isiniwalat ni Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) spokesperson Winston Casio na malaki ang posibilidad na mapatawan ng panibagong kaso si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo dahil sa kanyang koneksyon sa alleged human trafficking properties sa bansa.
Bulalas pa ni Spox Casio na mayroong parte sa shares si Guo sa mga nakalkal na properties sa bansa na konektado sa human trafficking.
Dahil dito, possibleng makasuhan daw ng human trafficking si Mayor Guo. “The liability of the current mayor of Bamban is on paper. It’s not a matter of conjecture anymore.”
Dagdag pa ni Casio, walang magiging takas si Guo sa kaso na ito dahil sa matibay ang ebidensya na hawak nila.
“We are very confident that we will be able to file human trafficking charges against the embattled Mayor of Bamban. Now, we have also been viewing other possible charges in relation to money laundering as well as other charges that either minor charges so to speak.”
Sa kasong ito, sinabi pa ni Casio na malaki ang posibilidad na ngayong linggo ito mapapataw kay Guo at sa kanyang mga umano’y partners sa nasabing property.
Maalalang nagsabi na rin ang ang ahensya na binubusisi nila ang pagkilatis sa mga kaso na maaaring makuha ni Guo. Ayon kay Casio, marami ang nakapilang kaso para sa suspended mayor dahil sa kanyang koneksyon sa mga nakaraang raided POGOs at iba pang properties.
“On Tuesday we will meet as a body to finally decide on the charges kasi medyo marami ho. So, ang usapan namin kagabi was we will focus on the most serious and the non-bailable charges first, then, we will follow through with the other charges later on,” aniya.