Dinipensahan ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang umuugong na balita na ang nagdaang Maisug prayer rally sa Pampanga ay isang destabilization plot laban sa administrasyong Marcos. Ayon sa kanya, ang nasabing pagkilos ay para bigyan lamang ng boses ang mga Pilipino at upang wakasan ang mga isyung kinakaharap ng bansa.
“Walang interesado na patalsikin si Marcos, walang interesado na patumbahin ang gobyerno. But, we will ask tha we will be heard from time to time so that government would know what the sentiments of the people are. The right to be heard, ‘yang ang importante sa Constitution.”
Dagdag pa ni Digong, isinasagawa ng kanyang kampo ang Maisug rally dahil nais nilang mapagtibay ang mga reporma sa bansa at bigyan ng sapat ng atensyon ang mga nasa iba’t-ibang probinsya lalo na ang mga manggagawang Pilipino.
“May damdam tayo, hindi tayo galit kay Marcos. O hindi tayo galit sa gobyerno. We just want reforms that ‘yung naririnig ninyo sa grupo ng mga Maisug at ‘yung mga Pilipino na ayaw ng gulo pero gustong may pagbabago,” aniya.
Ipinagtanggol din ni Duterte ang mga nakikilahok sa Maisug prayer rally. “Yung mga naririnig niyo sa grupo ng Maisug, mga Pilipino na ayaw ng gulo pero gustong may pagbabago.”
Ang pinakabagong pahayag na ito ni Duterte ay tila taliwas sa nakaraan niyang pahayag ukol sa naunsyameng Maisug prayer rally sa Tacloban, kung saan mariin niyang sinabi na ang pagpapatigil dito ay pagharang sa kanilang umanong plano na patalsikin ang administrasyong Marcos.