Friday, November 22, 2024

‘WALANG K!’ Brosas Sinupalpal Ang Posibilidad Na Maging Lider Ng Oposisyon Si VP Sara

1299

‘WALANG K!’ Brosas Sinupalpal Ang Posibilidad Na Maging Lider Ng Oposisyon Si VP Sara

1299

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Diretsahang sinabi ni GABRIELA Party-list Representative Arlene Brosas na walang pag-asang maging lider ng oposisyon si Vice President Sara Duterte dahil sa kanyang kwestiyonableng track records at tila blankong accomplishments sa gobyerno.

Matapos ang pormal na pagbibitiw ng bise presidente bilang secretary Department of Education (DepEd) at chair ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NFTL-ELCAC) ay pinalutang ni former presidential spokesperson Harry Roque ang posibilidad na maging opposition leader si Duterte.

“Ang ibig sabihin po nito, hindi na siya kabahagi ng administrasyon at hindi na siya naging alter ego ni Presidente Marcos. Ibig sabihin puwede na siyang magsalita ng kanyang talagang saloobin sa mga issues at puwede na siya mamuno sa oposisyon.”

Sinupalpal naman ito ni Brosas dahil aniya, pangit ang track record ng bise presidente sa kanyang pamumuno sa ilang sangay ng gobyerno.

“Para maging opposition leader ka, kailangan malinis yung track record sa public service. Nagsusulong sa karapatang pangtao tapos tunay na kumakatawan ng ordinaryong Pilipino. Malinaw na hindi pasok si Vice President Sara Duterte rito,” ayon kay Brosas.

Dagdag pa niya, hindi rin dapat makalimutan ang kanyang “confidential funds” issue sa pamamalakad sa DepEd at red-tagging cases ng NFTL-ELCAC.

“[K]ung mayroon man siyang ipagmamalaki na mga accomplishments…wala ‘yun eh. Sa DepEd, kumusta naman ang DepEd ngayon? Kumusta rin naman yung NTFL-ELCAC? Patuloy pa ring nangre-redtag. So ibig sabihin, talagang walang accomplishment ito.”

Sa komento niyang ito, sinabi ni Brosas na ang resignation ng bise presidente ay nagpapakita lamang kung gaano “kadumi” ang politika rito sa Pilipinas.

Aniya, ang kanyang pagbitiw ni Duterte sa alyansang UniTeam ay “classic case of tug-of-war ‘yan eh between traditional politicians” dahil nais lamang nila magkaroon ng posisyon sa darating na eleksyon at hindi para itaguyod ang karapatan ng mga Pilipino.

Photo credit: Facebook/HarryRoque, House of Representatives official website

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila