Winakasan na ni Senador Imee Marcos ang mga ispekulasyon na tatakbo siyang mayor sa Maynila sa darating na 2025 elections.
“I am up for reelection in May next year, and despite many rumors that I am running for Manila City and other places, magpapa re-elect lang ako [sa Senado],” aniya sa isang interview.
Matatandaang nakaka-isang termino pa lamang sa pagka-senador si Marcos at maari pa siyang tumakbo sa Senado sa susunod na eleksyon.
Samantala, duda rin si Marcos kung makakasama siya sa listahan ng mga pambato sa Senado ng kanyang kapatid na si Pangulong Bongbong Marcos.
“Nakikita ko ‘yung iba’t-ibang slate, palagay ko magiging singkwenta ang kandidato kasi napakarami po namin. May Lakas, may [Partido Federal ng Pilipinas], marami eh. Napakarami. Kaya nalilito ako, pero tingnan natin. Mahaba-haba pa naman ang panahon.”
“Ang pulitika sa Pilipinas ay laging basketball. Kaya abangan ang last two minutes,” pagtatapos niya.
Photo credit: Facebook/senateph