Saturday, November 23, 2024

NILAGLAG SI SARA! Banat Ni Digong: Huwag Maniwala Kay Inday

1356

NILAGLAG SI SARA! Banat Ni Digong: Huwag Maniwala Kay Inday

1356

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Binasag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte tungkol sa pagtakbo niya bilang senador sa 2025 mid-term elections. Aniya, matanda na siya para sa politika.

Kamakailan, inanunsyo ni VP Sara na magiging tatlo ang Duterte sa Senado dahil tatakbo ang kanyang ama at mga kapatid na sina Baste at Paolo sa susunod na taon bilang sa pagka-senador.

“Lahat sila ready tumakbo eh. Si PRRD [President Rodrigo Roa Duterte] senator, ‘yung kuya ko si Paolo Duterte, ‘yung congressman ngayon, senator [at] si Sebastian Duterte,” aniya.

Samantala, sa isang press conference sa Tacloban City ay nilinaw naman ni Digong na gawa-gawa lamang ng bise presidente ang kanyang pahayag at hindi dapat basta-bastang paniwalaan ng taumbayan.

“Maniwala ka kay Inday [Sara Duterte]? Susmaryosep. I-jamming ka niyan nang husto. Lalo na kapag balabag ‘yung tanong […] Huwag maniwala kay Inday. Huwag kayong kumagat kay Inday.”

Pahayag ni Digong, wala pa sa kanyang isip ang pagbabalik sa politika dahil sa kanyang edad. Aniya, magiging mahirap na rin ang pagtakbo para sa kanya dahil maraming dapat asikasuhin kapag nangyari ito.

“I think hindi na ako babalik ng politika. Tapos na po ako. Laos na ako. Wala na akong panggastos. Wala na lahat. Ang naiwan sa akin siguro, yabang.”

Giit din ng dating pangulo na hindi magandang tingnan na pamilya silang tatakbo bilang senador dahil magkakaroon lamang ng bangayan at tila “awkward moments” sa Senado.

“Saan ka nakakita ng tatay tas dalawang anak magtakbo ng senador. Anong gagawin namin sa Senate? Palagay nating tatakbo kami, manalo kami, magharapan kaming mag-aama doon sa Senate? Anong gagawin namin doon?”

Kaugnay nito, sinabi na rin ni Digong na hindi siya sigurado sa kanyang pagtakbo sa presidential elections sa 2028 dahil aniya, marami pang maaaring mangyari sa loob ng apat na taon.

“Masyado pang malayo ‘yan. It’s too distant really to give a reckoning of what will happen in between, in the year 2028 at ngayon. Anything goes na. Hindi tayo makakapagsalita niyan. Ang Diyos lang ang nakakaalam.”

Photo credit: Facebook/MayorIndaySaraDuterteOfficial, Facebook/officialpdplabanph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila