Monday, November 25, 2024

SONA 2024 BOMB JOKE? Solon Badtrip Banat Ni VP Sara, Sasabog Ang Kamara?

1209

SONA 2024 BOMB JOKE? Solon Badtrip Banat Ni VP Sara, Sasabog Ang Kamara?

1209

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tila hinaluan ng bomb joke ni Vice President Sara Duterte ang pagkumpirma niya sa hindi pagdalo sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos – isang pahayag na itinuring naman ni Manila Representative Joel Chua bilang hindi magandang biro galing sa isa sa pinakamataas na opisyal ng bansa.

Kamakailan, tinuldukan ni VP Sara ang usapin sa kanyang pagdalo sa darating na SONA ng pangulo sa Hulyo 22 matapos niyang sabihin na hindi siya sisipot.

“No, I will not attend the SONA. I am appointing myself as the designated survivor,” natatwang pahayag ng bise presidente sa isang ambush interview.

Binanatan agad ni Chua ang pahayag ni Duterte at sinabing hindi ito magandang biro dahil maaring maging threat umano ito sa kaligtasan ng pangulo at ng mga dadalo sa darating na SONA.

“Given the current political tensions, such a joke is not in good taste because the security of the President of the Philippines is not a joking or laughing matter. Great care is taken to ensure the security of the President, especially during the SONA.”

Matatandaang sa US political thriller series na “Designated Survivor,” naging US president ang isang low-ranking Cabinet member na si Tom Kirkland matapos pasabugin ang US Capitol building habang nagaganap ang State of the Union Address ng kasalukuyang presidente. Dahil dito, namatay ang lahat ng matataas na opisyal ng bansa at ang pagiging lider ng US ay naipasa kay Kirkland na hindi dumalo sa nasabing political event.

Dagdag pa ng mambabatas, hindi rin angkop na tawaging “designated survivor” si VP Sara dahil nakasaad sa 1987 Constitution na wala siyang kapangyarihan na magdikta kung sino ang dapat pumalit sa pangulo kung sakaling may mangyaring hindi maganda.

Dahil dito, sinabi ni Chua na handa niyang linawin ang mga maaring dawit sa usaping ito kapag naipasa na niya ang isusulong n’yang bill sa Kamara. “I happen to have a nearly finished Designated Survivor bill, the details of which I can disclose when it is filed.”

Photo credit: Facebook/MayorIndaySaraDuterteOfficial, Facebook/AbogadoNgDistrito

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila