Isinulong ng “Young Guns” bloc ng House of Representatives ang agarang pagkilatis sa umanoy “fake birth certificate factory” sa Davao del Sur upang siguraduhin na walang makakapasok na dayuhang mananamantala sa bansa.
Kamakailan lamang, nahuli ang isang Chinese national na nagbigay ng fake birth certificate upang makakuha ng Philippine passport sa Davao City.
Nang imbestigahan ang kasong ito, lumutang sa report ng National Bureau of Investigation (NBI) na may mahigit-kumulang 200 na pekeng birth certificates na ibingay ang Local Civil Registry sa Chinese nationals mula 2018 hanggang 2019 sa isang siyudad sa Davao del Sur.
Dahil dito, nagpakita ng pagkabahala ang ilang mambabatas at sinabing dapat na itong wakasan lalo na sa gitna ng hidwaan ng Tsina at Pilipinas.
“This [birth certificate] is not something that can be easily given, fabricated, milled, or brought. Sa madaling salita, the Filipinos are not for sale. Dapat walang pekeng Pilipino,” saad ni Davao Oriental 2nd District Rep. Cheeno Almario.
Sinuportahan naman ito ng ibang mambabatas na kabilang sa “Young Guns” bloc at sinabing kung hindi ito aaksyunan agad ng gobyerno ay maaring ikapahamak ito hindi lamang ng bansa ngunit pati ng mga Pilipino.
“It raises serious questions about the safeguards in place within our local civil registries and highlights the urgent need for stricter oversight and accountability measures,” ani Ako Bicol Partylist Rep. Jil Bongalon.
“The issuance of falsified birth certificates to foreign nationals compromises the integrity of our civil registration system, undermines the trust of the Filipino people, and poses a significant threat to national security,” pahayag ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Adiong.
Dahil dito, nanawagan din ang “Young Guns” bloc sa taumbayan na makiisa sa pagtuldok sa isyu na ito upang hindi na anila madagdagan pa ang nagpapanggap na mga Pinoy sa bansa.
“Let this be a rallying call for vigilance, integrity and unwavering commitment to the principles of justice and sovereignty.” panawagan ni Isabela 6th District Rep. Inno Dy.
“They probably also found the easiest route to secure spurious documents to conceal their true identities and citizenship to continue their nefarious activities […] kailangan itong imbestigahan ng Kongreso,” saad ni Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun.
Photo credit: House of Representatives official website