Tila walang pakialam si Vice President Sara Duterte sa aniya ay mga hindi nakaintindi ng “designated survivor” comment niya tungkol sa darating na ikatlong State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos.
“Many missed the point. For me, if you don’t understand the first time, I don’t think you deserve an explanation,” wika niya Bisaya sa isang interview sa ABS-CBN News.
Ngunit nilinaw ni Duterte na ang kanyang mga komento ay hindi biro o naglalayong mag-udyok ng takot o panic.
“It is my first time to see a Vice President being checked for attendance in everything. It is not a joke. It is not a bomb threat.”
Inulan ng batikos si Duterte matapos sabihing hindi siya dadalo sa SONA dahil ini-appoint nya ang sarili bilang designated survivor.
Matatandaang sa US political thriller series na “Designated Survivor,” naging US president ang isang low-ranking Cabinet member na si Tom Kirkland matapos pasabugin ang US Capitol building habang nagaganap ang State of the Union Address ng kasalukuyang presidente. Dahil dito, namatay ang lahat ng matataas na opisyal ng bansa at ang pagiging lider ng US ay naipasa kay Kirkland na hindi dumalo sa nasabing political event.
Photo credit: Facebook/MayorIndaySaraDuterteOfficial