Thursday, November 21, 2024

BET NA BET! Hontiveros, First Time Tayuan Si PBBM!

1488

BET NA BET! Hontiveros, First Time Tayuan Si PBBM!

1488

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Aprub kay Senador Risa Hontiveros ang matapang na desisyon ni Pangulong Bongbong Marcos na ipagbawal na ang mga Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) sa bansa.

Sinabi ni Hontiveros na “satisfied” siya sa naging mensahe ni Marcos sa kanyang ikatlong State of the Nation Address tungkol sa POGO. Matatandaang si Hontiveros ang isa sa mga nangunguna sa pagsisiyasat sa mga iligal na operasyon ng ilang POGO sa bansa.

“Malaking tagumpay ngayong araw sa mga babae at bata na nagsumbong laban sa POGO, tamgumpay sa mga whistleblowers na nagsumbong tungkol sa POGO, [at] tagumpay sa dumaraming government agencies na nakipagtulungan sa amin,” pahayag ng senadora sa isang interbyu ng ANC Digital.

Ibinahagi ni Hontiveros na ito ang unang beses na namangha siya sa SONA ng pangulo dahil aniya sa mga nailatag na pahayag tungkol sa POGO at isyu sa West Philippine Sea.

“First time I stood up to clap for the President. Yung una, yung tungkol sa West Philippine Sea. Isa sa ilang policy areas na magkasundo kami. Pero this was the first time for me to stand up and applaud at a SONA dito sa kanilang desisyon laban sa POGO.”

Dagdag ng mambabatas, inaasahan niya na patuloy nang wakasan ang pagpapatakbo ng POGO sa bansa upang hindi na madagdagan pa ang mga nabibiktima ng karumaldumal na mga krimen katulad ng human trafficking at abuse.

“Kung kinaya ng gobyerno noon na bigyang daan ang perwisyo ng POGO, siguardong kakayanin dapat ng gobyerno sa lahat ng kapangyarihan niya na talagang mapatigil at mapatapon na sa labas ng bansa natin ang POGO.”

Sa kabila nito, hiling pa rin ni Hontiveros na mabigyan pansin ng administrasyon ang iba pang mahahalagang usapin sa bansa tulad ng ekonomiya, agrikultura, edukasyon, at laban kontra-droga.

“This is a day na half-full ang glass. I appreciated still yung position nila sa West Philippine Sea. I really appreciated yung announcement nila sa ban sa POGO pero marami-rami pa ring mga area na sana may narinig pa ako sa kanila.”

Ayon sa pahayag ng pangulo, sisimulan na ang pagpapalayas sa mga POGO sa pamamagitan ng forced closure sa mga ito hanggang sa huling araw ng taon.

Photo credit: Facebook/hontiverosrisa

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila