Tuesday, October 29, 2024

TULOY ANG SERBISYO! 3-Term Cong. Paolo Javier Tatakbong Antique Governor

1965

TULOY ANG SERBISYO! 3-Term Cong. Paolo Javier Tatakbong Antique Governor

1965

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Tuloy ang serbisyong Javier sa Antique matapos ideklara ni three-term Congressman Paolo Javier ang kanyang kandidatura sa pagka-gobernador ng lalawigan.

“Sa pamamagitan ng inyong malakas na suporta at malakas na pagtitiwala, ipagpapatuloy ko ang subok na ‘Serbisyo ng Javier’ bilang Gobernador ng Antique,” deklara ni Javier noong Hulyo 23.

Sa kanyang deklarasyon, binigyang-diin ni Javier ang kanyang malalim na koneksyon at pagmamahal sa Antique.

“Ang pagmamahal ko sa Antique, dumadaloy sa dugo ko, buhay sa puso ko!” aniya sa salitang Antiqueño. 

Ayon kay Javier, malaki ang impluwensya ng kanyang amang si former Governor Exequiel Javier at tiyuhin na si late Governor Evelio B. Javier sa kanyang malasakit sa mga Antiqueño.

Dagdag pa ni Javier, kahit noong mga panahong wala siya sa politika at nakapag-focus sa buhay-pamilya, hindi nawala ang malakas na hatak ng public service sa kanya.

“Limang taon na ang nakalipas, nang matapos ko ang aking paglilingkod sa mga Antiqueño, at sa ating pinakamamahal na lalawigan ng Antique. Pero sa mga taon na tumutok ako sa pagiging asawa at ama, inaalagaan ko pa rin ang mga nasa pinakamamahal nating probinsya.” 

Sinabi rin ni Javier na ang desisyon niyang tumakbo bilang gobernador ng Antique ay dahil sa pagbuhos ng suporta at paghihikayat mula sa kanyang mga kapwa Antiqueño.

“Marami ang nag-uusap at nagnanais na maging bahagi ako ng administrasyon ng lalawigan ng Antique.” 

Nagsilbi bilang congressman ng Lone District ng Antique si Javier sa tatlong magkakasunod na termino mula June 2010 hanggang June 2019 kung saan naging chairperson siya ng Higher and Technical Education Committee ng House of Representatives, at naging aktibong miyembro ng iba pang kumite.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila