Tuesday, October 29, 2024

IKANDADO NA! 402 POGOs Ipinapasara

1632

IKANDADO NA! 402 POGOs Ipinapasara

1632

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Inatasan ng House of Representatives ang mga alkalde sa buong bansa na agad na isara ang 402 illegal Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na nag-ooperate sa kanilang mga nasasakupan.

Sa isang joint hearing, binigyan ng House Committee on Public Order and Safety, at Games and Amusements ang mga local government ng detalyadong impormasyon sa mga ilegal na operasyon ng POGO, kabilang ang mga address at pagkakakilanlan ng mga sangkot.

Ayon sa House Committee on Public Order and Safety, karamihan sa mga incorporator ng POGO ay mga Chinese. Dahil dito, binigyang-diin ng chairman ng kumite na si Rep. Dan Fernandez ang pangangailangan ng mabilis na aksyon, dahil hindi kayang tugunan ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang isyu nang mag-isa.

Nagpahayag din siya ng pag-asa sa pakikipagtulungan ng mga local government sa pagtiyak na maisasara ang mga ilegal na operasyong ito sa loob ng isang buwan.

Ang imbestigasyon sa mas malawak na mga criminal activity na nauugnay sa mga POGO ay kasunod ng direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ipagbawal ang lahat ng operasyon ng mga ito sa bansa. Saklaw din ng ban ang mga internet gaming licensees at offshore gaming operations na lisensyado ng iba pang economic zone.

Hinimok naman ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga komite na gumawa ng agarang aksyon at bumalangkas ng batas para maiwasan ang pagbalik ng mga POGO sa bansa.

Photo credit: Facebook/pagcor.ph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila