Thursday, November 21, 2024

ANTI-KAMOTE DRIVER! Solusyon Sa Pagkalaboso Ng Inosenteng Motorista, Umaarangkada

1590

ANTI-KAMOTE DRIVER! Solusyon Sa Pagkalaboso Ng Inosenteng Motorista, Umaarangkada

1590

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Inihain kamakailan sa Kamara ang isang panukalang batas na binansagang “Anti-Kamote Driving” bill upang maiwasan ang pagkulong sa mga inosenteng motorista na sangkot sa mga aksidente sa kalsada.

Sa House Bill 10679 o “Defensive Driving Act of 2024,” isinusulong nina House Deputy Majority Leader and PBA party-list Representative Margarita Nograles at Davao Oriental Rep. Cheeno Almario ang pag-amyenda sa Revised Penal Code dahil sa ilang mga high-profile na kaso kung saan ang mga inosenteng driver ay ikinulong sa kabila ng ebidensyang nagmumungkahi na hindi sila ang responsable sa mga aksidente.

“[T]here are certain incidents wherein the accidents are allegedly caused by the individuals who unfortunately die or sustain injuries. In such cases, the driver of the other vehicle involved, who is perceived by many as innocent, gets arrested instead,” ayon sa mga mambabatas.

Binanggit nila ang dalawang kamakailang insidente bilang mga halimbawa ng nasabing problema. Noong Marso, isang motorcycle rider ang namatay matapos mag-counterflow sa Skyway Stage 3, na bumangga sa isang AUV. Sa kabila ng pagkakaroon ng right of way, ikinulong pa rin ang AUV driver. Noong Abril naman, isang 60-anyos na driver sa Cebu City ang nakulong matapos bumangga ang isang motorsiklo sa kanyang sasakyan, na ikinasawi ng dalawang sakay.

Sa ilalim ng iminungkahing batas, ang mga driver na sangkot sa mga aksidente sa trapiko ay maaaring makaiwas sa detensyon kung maaari silang magpakita ng ebidensya tulad ng dashcam footage, mga CCTV record, o mga testimonya ng saksi na nagpapatunay sa kanilang defensive driving.

“It must be noted, however, that this bill does not intend to absolve the drivers of their liabilities, whether civil or criminal, but merely to save them from unnecessary mental anguish, physical, or even financial suffering arising from detention,” paglilinaw pa nila Nograles at Almario.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila