Monday, December 2, 2024

‘ONE VISAYAS’ BLOC! 16 Lalawigan, Pinag-Isa Ni CebGov Gwen Garcia

1917

‘ONE VISAYAS’ BLOC! 16 Lalawigan, Pinag-Isa Ni CebGov Gwen Garcia

1917

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Pinangunahan ni Cebu Governor Gwen Garcia ang panukala para sa “One Visayas” Bloc na naglalayong pag-isahin ang 16 na lalawigan ng Visayas para sa pag-unlad ng rehiyon.

“It has always been said, ‘In unity there is strength,’ and we hope that we will be able to put together this One Visayas Bloc in order to come forward as a strong, united, coming together of the 16 Provinces,” aniya sa report ng Sugbo News.

Ang konsepto ng One Visayas Bloc ay lumutang mula sa mga talakayan na idinaos sa opening salvo ng 455th Founding Anniversary ng Cebu noong Agosto 5. Binigyang-diin ni Garcia na ang grupong na ito ay magsisilbing isang “formidable entity” na nakatuon sa pagpapabuti ng buhay ng mga residente sa buong rehiyon ng Visayas.

“It will become a super entity that is concerned about uplifting people’s lives in the whole Visayas,” paliwanag niya, habang binibigyang-diin ang pokus ng grupo sa infrastructure development, economic growth, at disaster preparedness. Ang panukala ay naglalayong tiyakin na ang mga pangangailangan at alalahanin ng Visayas ay mabisang matutugunan sa national level.

Kasama sa bisyon ng grupo ang isang unified agenda para sa progress at development sa national government upang matiyak ang pakikipagtulungan nito sa pagsusulong ng mga prayoridad sa rehiyon.

“For every chief executive, for every governor, our concern is always to push for progress and development in each of our provinces so we can uplift people’s lives,” dagdag ni Garcia.

Matatag ang suporta para sa One Visayas Bloc, kung saan maraming gobernador ang nagpahayag ng kanilang pag-endorso. Kabilang dito sina Iloilo Gov. Arthur Defensor Jr., Southern Leyte Gov. Damian Mercado, Eastern Samar Gov. Ben Evardone, Siquijor Gov. Jake Villa, Guimaras Gov. Joaquin Carlos “JC” Nava, Aklan Gov. Jose Enrique Miraflores, Negros Occidental Gov. Eugenio Josenio “Bong” Lacson, at Bohol Gov. Erico Aristotle Aumentado.

Sa sideline ng 455th Founding Anniversary, sinuportahan din ni Evardone ang pamumuno ni Garcia at sinabing, “Gov. Gwen will be our unanimous, unopposed leader of the Visayas.”

Photo credit: Facebook/cebugovph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila