Monday, November 25, 2024

LIMITADONG PISTA OPISYAL! Holiday Calendar Ng Pinas, Babalasahin

2043

LIMITADONG PISTA OPISYAL! Holiday Calendar Ng Pinas, Babalasahin

2043

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Inanunsyo ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na pinag-aaralan ng Senado ang panukalang bawasan ang bilang ng mga public holiday sa Pilipinas upang pahusayin ang competitiveness ng mga negosyo at manggagawang Pilipino.

“Mahigit isang buwan na ang holiday sa buong bansa which makes Philippine company and workers less competitive,” aniya, habang binibigyang-diin na nakakasama sa economic performance ng bansa ang malawakang holiday period.

Ipinunto niya na ang kasalukuyang holiday system ay kinabibilangan ng patong-patong ng mga pagdiriwang — mga pista opisyal ng lungsod, munisipyo, probinsiya, pambansa, at religious — na kapag pinagsama-sama ay mahigit isang buwan ng mga araw na walang pasok. 

“Di ba may holiday ‘yung siyudad, may holiday ‘yung munisipyo, may holiday ‘yung probinsya, may national holiday, may religious holiday, ‘di ba? Which makes us less competitive,” pahayag ni Escudero.

Aniya, sinusuri ng Senado ang posibilidad ng pagsama-samahin ang mga pista opisyal, kagaya ng Presidents’ Day sa United States, na pinagsasama ang pagdiriwang para sa maraming US president sa iisang holiday lang. 

“Lahat ng magagaling nilang presidente, pinagsama nila sa isang araw nalang na holiday,” banggit pa ng mambabatas. Iminungkahi rin niya na ang katulad na paraan ay maaaring gamitin para sa paggunita sa mga dating pangulo at bayaning Pilipino.

Inamin naman ni Escudero na ang panukala ay maaaring maging kontrobersiyal ngunit binigyang diin niya ang kahalagahan ng pagsisimula ng talakayan para dito. “Isa ‘yan sa pinagpapa-aaralan [ko] sa kanila ngayon sa komite. Ang problema lang, away ‘yan eh pero ‘di naman kailangan gawin ngayon, simulang lang natin ‘yung proseso hayaan mong mag perculate siya, mapagpasyahan,” aniya.

Ipinaliwanag pa ng senador na ang pagbabawas ng bilang ng mga holiday ay maaaring matugunan ang isyu ng mga manggagawang Pilipino na hindi gaanong competitive kumpara sa kanilang mga katapat sa ibang mga bansa, kung saan ang mga naturang malawak na holiday period ay hindi gaanong karaniwan.

“Kasi ‘yung mga kalaban natin sa ibang bansa, hindi naman sila nagbibigay ng double pay dahil nagkataon lamang na holiday,” dagdag niya.

Kasama sa panukala ng Senado ang pagrepaso sa kasalukuyang holiday calendar, na sumasaklaw sa sampung regular na holiday at ilang espesyal (non-working) na araw, gaya ng itinakda sa Proclamation No. 368 para sa taong 2024.

Photo credit: Facebook/pcogovph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila