Dismayado si Manila Rep. Joel Chua sa napapabalitang desisyon ni dating Mayor Isko Moreno Domagoso na tumakbong muli sa pagka-alkalde sa lungsod at kalabanin ang matagal na niyang kaalyado na si Mayor Honey Lacuna.
“We feel betrayed,” aniya sa isang interview. “Kasi all along sinabi nya sa amin na hindi sya tatakbo. Right from the very beginning ang sinasabi niya sa amin, ‘‘wag kayong makikinig sa tsismis tsismis, lahat yan hindi totoo, hindi kami maglalaban ni ate.’”
Binatikos din ni Chua ang umano’y pagbaligtad ni Moreno at sinabing, “Lahat ng mga interview, sinasabi nya gedli gedli na sya, magreretiro na sya, anong nangyari? Lagi nya sa aming sinasabi yung kanyang laway ay masasanla.”
“Sa totoo lang until now masakit sa amin ‘to dahil parang kapatid namin siya e… Ang pangit at nakakahiya,” pag-amin niya.
“Ang daming tumatawag sa akin na national figure, kino-confirm… sa totoo lang ang dami kong bintawang salita [na] ‘hindi totoo yan, hindi mag-aaway yan dahil magkapatid yang dalawa.’ Sa totoo lang nahihiya po ako sa nangyari,” dagdag ng mambabatas.
Sa huli, nanawagan siya kay Moreno na ikonsidera ang hindi pagtakbo at isasaalang-alang ang pinagsamahan nila ni Lacuna at ng iba pang niyang kaalyado sa partidong Asenso Manileño.
Photo credit: House of Representatives official website, Facebook/iskomorenodomagoso