Monday, November 25, 2024

TAX FREE GLORY! Rewards Sa Atleta Malilibre Sa Buwis

1875

TAX FREE GLORY! Rewards Sa Atleta Malilibre Sa Buwis

1875

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

May basbas na ng Kamara ang panukalang batas na nagbibigay ng tax exemptions sa mga donasyon na ibinigay sa mga national athlete na sumali sa mga international sports competition. 

Ang panukala, na inakda ni House Ways and Means Committee Chair Joey Sarte Salceda, ay naglalayong suportahan ang mga atleta sa kanilang training journey at kilalanin ang kanilang mga tagumpay.

Ang House Bill No. 421, na dating kilala bilang “Hidilyn Diaz Law,” ay naglalayong i-exempt hindi lamang ang mga premyo na napanalunan ng mga atleta kundi pati na rin ang mga donasyon na ginawa sa kanilang pagsasanay isang taon bago ang isang kompetisyon. Binigyang-diin ni Salceda na dapat ding ipangalan ang panukalang batas si Carlos Yulo, ang unang Olympian ng bansa na nanalo ng dalawang magkasunod na gintong medalya.

“A 12-year-old Carlos Yulo once gave an interview where he said that his dream was to win a gold medal for the Philippines in the Olympics. It took him more than a decade to reach that goal in the grandest manner possible,” ayon sa mambabatas. “What that teaches us is that the prize is never won on the day of the competition itself, but years before. Hard work, determination, and sheer grit through many years of training wins over talent.”

Iminungkahi ng komite na gawing retroactive ang exemption hanggang Enero 1, 2024, at isinasaalang-alang ang pagpapalawak ng tax exemption upang masakop ang lahat ng mga donasyon na ginawa sa pamamagitan ng Philippine Sports Commission o Philippine Olympic Committee, anuman ang petsa.

“It follows the philosophy I have espoused as Governor of Albay: rescue is a bad word, because there is no need for rescue when all preparations have been made. Capacity is everything. The approach is to incentivize not the prize, but the preparation. Champions are not made overnight,” dagdag ni Salceda.

Photo credit: Facebook/pnagovph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila