Misyon ngayon ni Iloilo City Lone District Rep. Julienne “Jam” Baronda na linisin ang pangalan ng kanyang lungsod matapos itong bansagan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na “most shabulized city” sa bansa.
Hinihingi ng mambabatas ang mga rekord mula sa Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para pasinungalingan ang aniya ay hindi makatarungang bansag na dumungis ng imahe ng Iloilo City at mga residente nito.
Sa isang pagdinig sa Kamara, humiling siya ng datos sa nangungunang 50 local government units na may pinakamataas na insidente ng ilegal na droga noong 2017. Humingi rin si Baronda ng listahan ng mga pulitikong sangkot sa kalakalan ng droga noong taong iyon, at partikular na binanggit ang kaso ng dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog, na inakusahan na may kaugnayan sa kalakalan ng iligal na droga.
“The Ilonggos have been asking me about former Mayor Mabilog whenever I visit the barangays because they know he is innocent. The Ilonggos also want to set the record straight: we have drug cases, but these were not as massive as portrayed. We are not the ‘most shabulized city’. I believe that the former president was misinformed. That is why I sought proof or records from our law enforcement agencies. I only want justice and the truth for our city,” aniya.
Photo credit: Office of Rep. Julienne “Jam” Baronda