Tuesday, December 3, 2024

SENATORIAL SLATE NI ATE

2145

SENATORIAL SLATE NI ATE

2145

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Magandang Araw mga KapNoy, sumulpot ang sinasabing Marcos Administration Senatorial Line-up. Ang source ng listahan ay ang ate ni PBBM. Sabagay, Marcos din naman ang apelyido ni Madam Imee, kaya nagamit ang “Marcos Administration.”

Wait and see tayo kung kukumpirmahin ba ng nakababatang kapatid na siyang pangulo natin ngayon. Habang inaantay natin ito, katuwaan lang mga KapNoy, opinyon lang ng maaaring magiging kampanya ng bawat isa sa listahan.

MANNY PACQUIAO – bangis ng suntok, suporta ng asawang si Jinky.

BENHUR ABALOS – boto ng Mandaluyong. Hulihin si Quiboloy sa pamamagitan ng PNP.

FRANCIS TOLENTINO – paramihan ng kaibigang ‘tol.

BONG REVILLA – budots uli?

ERWIN TULFO – apelyido ng mga sinasabing tagapagtanggol.

TITO SOTTO – Sugod Bahay, Barangay Bulagaan, atbp ng Eat Bulaga.

PING LACSON – kaibigan ng mga tsinoy, galit sa mga kidnapper.

LITO LAPID – sakay ng kabayo, maskara, Leon Guerrero, Pinuno, Supremo.

ABBY BINAY – papalit kay Ate Nancy pero “better” daw (better kay Ate?).

PIA CAYETANO – apelyidong Cayetano na nakasanayan na.

IMEE MARCOS – apelyido uli pero may solusyon.

CAMILLE VILLAR – bigyan ng bahay ‘yan!!! Apelyido din.

Mga KapNoy, katuwaan lang ito. Comment kayo ng naiisip n’yong maaaring kampanya nila.

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila