Itinanggi ng partido ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. na Partido Federal ng Pilipinas (PFP), ang senatorial slate na inilabas ni Senator Imee Marcos para sa darating na 2025 elections.
Ipinahayag ni South Cotabato Governor Reynaldo Tamayo Jr., presidente ng PFP, na mismong ang partido ang pormal na mag-aanunsyo ng kanilang mga kandidato sa pagka senador. Inamin niya na may mga kamakailang pagpupulong ngunit walang pinal na listahan ang napagkasunduan.
Nauna nang naglabas si Sen. Imee ng listahan ng mga potensyal na kandidato sa pagka senador sa ilalim ng ticket ng administrasyon. Kasama siya listahan at sina dating Sen. Manny Pacquiao, Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr., Sen. Francis Tolentino, Sen. Bong Revilla, Rep. Erwin Tulfo, dating Sen. Tito Sotto, dating Sen. Ping Lacson. Sen. Lito Lapid, Sen. Pia Cayetano, Rep. Camille Villar.Â
Gayunpaman, ibinasura ng gobernador ang listahang ito.
“Kami ay magbibigay ng anunsiyo ng senatorial line up ng administration pagkatapos itong mapagpasyahan ng lahat na kasapi ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas,” paliwanag niya.