Thursday, December 5, 2024

FEEDING PROGRAM ‘INAMAG’ DepEd ‘Nabusog’ Sa Puna Ng COA

2208

FEEDING PROGRAM ‘INAMAG’ DepEd ‘Nabusog’ Sa Puna Ng COA

2208

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sa kamakailang audit nito, inihayag ng Commission on Audit (COA) ang mga nakababahalang problema na natuklasan nito sa P5.69 bilyong School-Based Feeding Program (SBFP) ng Department of Education (DepEd) para sa taong 2023. 

Natuklasan ng audit ang malawakang problema, kabilang ang paghahatid ng inaamag at insect-infested nutribuns, nabubulok na pagkain, hindi malinis na packaging, at mga pagkakaiba sa food labeling sa maraming rehiyon.

Itinatampok ng audit report ang matinding lapses sa SBFP, na naglalayong magbigay ng masustansyang pagkain sa mga undernourished na mag-aaral sa mga pampublikong paaralang elementarya. Ayon sa ahensya, hindi bababa sa 21 Schools Division Offices (SDOs) sa 10 rehiyon ang naapektuhan ng mga isyung ito.

Sa Bulacan, ang mga pagkain ay natagpuang “bulok, hilaw o durog,” habang sa Aurora, may mga peste na natuklasan sa Karabun/Milky buns at E-nutribuns. Iniulat ng Misamis Oriental na 1,001 piraso ng E-nutribuns ang naibalik dahil sa amag at pag-iiba ng kulay, bago pa man ang kanilang expiration date. 

Ilang SDO ang nakaranas ng mga pagkaantala o hindi pagkakahatid ng mga essential items. Sa Camarines Sur, halos P100 milyon na halaga ng gatas at mga produktong pagkain ang hindi naihatid dahil sa mga hindi nakumpletong procurement contract.

Pinuna rin ng ahensya ang pagpapatakbo sa programa sa ilalim ni Vice President Sara Duterte, na nagsilbi bilang Education secretary hanggang kalagitnaan ng 2024. Binibigyang-diin ng ulat na ang mga isyung natuklasan ay nagpapahina sa layunin ng programa na mapabuti ang kalusugan at nutrisyon ng mga mag-aaral.

“The audit team recognizes that food commodities provided to SBFP beneficiaries play a crucial role in nourishing their growth and development,” sabi ng COA. “It is imperative that all inspections include monitoring the delivery of these nutritious food products as part of the feeding program.”

Nanawagan din ang komisyon ng reprogramming ng mga hindi nagamit na pondo ng programa upang mapunan ang mga kakulangan sa mga supply ng pagkain at gatas at upang palawigin ang bilang ng mga araw ng feeding.

“The commitment to provide good nutrition to learners was not optimally achieved due to the deficiencies that hampered the successful implementation of the program,” ayon dito.

Photo credit: Facebook/DOSTph?locale=sw_KE

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila