Sunday, November 24, 2024

KAKOSA NI PASTOR? Obstruction Of Justice Case Vs Digong, Posible!

2082

KAKOSA NI PASTOR? Obstruction Of Justice Case Vs Digong, Posible!

2082

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Posibleng madawit ang dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong obstruction of justice kaugnay sa pagtatago noon ni Kingdom of Jesus Christ (KJC) founder Apollo Quiboloy, na siya ring spiritual advisor ng dating pangulo. 

Sumuko kamakailan si Quiboloy matapos ang dalawang linggong manhunt sa kanya sa loob mismo ng KJC compound sa Davao City, ang balwarte ng dating pangulo. 

Natalakay ang posibleng kaso kay dating Pangulong Duterte sa gitna ng plenary debates ng House of Representatives para sa proposed 2025 national budget nang itanong ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro kay Ako Bicol party-list Rep. Raul Angelo Bongalon kung ano ang definition ng obstruction of justice at kung liable ba ang dating pangulo dito base sa nauna na niyang pag-amin na alam nya ang kinaroroonan ni Quiboloy subalit piniling sarilinin ito.

“Well a crime has different elements.  So if all the elements are present, regardless of who the possible offender is, well that will be a case for obstruction of justice,” sagot ni Bongalon.

“Publicly, he said he knows where Pastor Apollo Quiboloy is but he refused to divulge it as it is a secret.  So having said that Mr. Speaker, his statements, especially as he is a property administrator of the KJC compound, so in effect that would warrant a possible case of obstruction of justice,” dagdag pa ni Bongalon.

Dagdag pa ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, hindi pwedeng dumistansya ang dating Pangulo sa decision ni Quiboloy na iwasan ang kanyang arrest warrant dahil ginawa siya nitong bagong administrator ng KJC properties noong Marso ng taong ito. Kasama sa property ng KJC ang compound sa Barangay Buhangin na kamakailan ay ni-raid ng mga pulis.

Samantala, nag-issue kamakailan ng statement si Salvador Panelo, ang chief legal counsel at spokesperson noong Duterte Administration na bilang abogado, aware ang dating pangulo na labag sa batas ang pag-coddle sa isang fugitive. Dagdag pa ni Panelo, tanging administrator lamang ng KJC properties ang dating pangulo at hindi kasama doon si Quiboloy bilang tao.

Maraming kaso ang kinahaharap ngayon ni Quiboloy kasama na ang paglabag sa Section 5(b) at  Section 10(a) ng Republic Act 7610 or the Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act at ang paglabag sa Section 4(a) ng Republic Act No. 9208 o anti-human trafficking. 

Bukod dito, wanted din si Quiboloy sa United States sa mga kasong child trafficking.

 

Photo credit: Facebook/pnagovph, Facebook/officialpdplabanph/photos

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila