Tutol is Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa panukalang magkaroon ng Value Added Tax (VAT) refund mechanisms para sa mga non-resident tourists sa bansa. Aniya, walang kasiguruhan na ang panukalang Senate Bill No. (SBN) 2415 under Committee Report No. 106 ay makakatulong sa pagpapalago ng ekonomiya ng bansa.
Sa kanyang nakaraang privilege speech sa plenary session, sinabi ni Pimentel na bagamat kinikilala nya ang kahalagahan ng turismo sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas, ang SBN 2415 ay “misguided and presents significant risks that far outweigh its projected benefits.”
“Let us not forget the VAT leakages already plaguing our current system. According to recent reports, our VAT system suffers from inefficiencies and leakages amounting to billions of pesos annually,” dagdag pa niya.
“At the core of this bill is the provision to refund VAT to tourists–specifically, under the current version, foreign passport holders who are non-resident aliens—who purchase goods from accredited stores in our country, with a transaction value of at least P3,000”.
Bagamat base sa projections ng panukala na tataas ang average ng tourist arrivals ng hanggang 148,000 mula taong 2024 hanggang 2028 at kaakibat nito ang pagtaas din ng tourist spending, mag-re-refund ang pamahalaan ng higit sa P4 billion sa mga turista sa loob ng limang taon.
Ayon kay Pimentel, ang halagang ito ay katumbas na ng 1,600 na bagong classrooms o 138 hanggang 190 kilometers ng concrete roads. Sa halip na i-refund sa mga turista, mas mainam, anya na i-allocate na lang ang halagang ito sa mga proyekto mas kapaki-pakinabang para sa mga Pilipino.
“In terms of Assistance to Individuals in Crisis Situation, four billion could support at least 400,000 college students, or 800,000 elementary or high school students in educational assistance, or provide cash relief assistance to at least 400,000 beneficiaries,” saad pa niya.
Diin ni Pimentel, ang focus ng pamahalaan ay dapat sa mga hakbang na nagpapalakas sa ating tax system, pag-ayos sa ng tax leakage, at at pag-gamit ng pondo ng bayan nang mahusay para sa kapakinabangan ng mga Pilipino.
Sinabi ni Pimentel na maaaring magpokus ang gobyerno sa mga sumusunod na aspeto:
- Pagpapahusay ng infrastructure ng bansa
- Pagpapabuti ng kaligtasan ng mga tourists sa pamamagitan ng pagpapabuti ng kanilang paglalakbay, transportasyon, at accommodation
Sa ganitong paraan, saad niya, hindi natin kakailanganin ang VAT refunds para gawing kaakit-akit na destinasyon ang Pilipinas.
Photo credit: Facebook/senateph