Sunday, November 24, 2024

PULIS VS. PULIS! Dela Rosa, Sinupalpal Ni Acop Sa Testimonya Ni Mabilog

2343

PULIS VS. PULIS! Dela Rosa, Sinupalpal Ni Acop Sa Testimonya Ni Mabilog

2343

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Panahon na para harapin ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang mga alegasyon ng pagkaka-ugnay niya sa drug war ng dating Pangulong Rodrigo Duterte at itigil na ang “pagtatago sa likod ng palda ni Vice President Sara Duterte.”’ Iyan ang hamon ni Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop.

Nagbigay ng pahayag si Acop matapos sabihin ni dela Rosa na ang testimonya ng dating Iloilo City Mayor Jed Patrick Mabilog sa House of Representatives quad committee ay bahagi ng “demolition job targeting the vice president and her allies ahead of the 2028 elections.”

Saad ni Acop walang demolition job na nangyayari kundi mga lehitimong tanong na kailangan ng malinaw na kasagutan. Si Acop ay vice chair ng quad committee.

“Sen. Dela Rosa should be man enough to face the facts and take responsibility, instead of hiding behind VP Sara’s skirt,” hamon ni Acop sa senador.

Kaniya ring inulit na ang mga pagdinig ay nakatuon sa paglalantad ng katotohanan tungkol sa extrajudicial killings at paglabag sa karapatang pantao sa panahon ng digmaan kontra droga ni Duterte at ang koneksyon nito sa illegal Philippine offshore gaming operators at sa kalakalan ng droga. 

“Former Mayor Mabilog’s testimony is crucial. Our goal is to craft laws that will put an end to these crimes, not to play political games,” dagdag pa ni Acop.

Nagpatotoo si Mabilog na pinilit siyang magbigay ng false accusations sa mga dating Senador Franklin Drilon at Mar Roxas na mga drug lord sa kasagsagan ng kontrobersyal na anti-drug campaign ni Duterte. Dagdag pa niya, nakatanggap siya at kanyang pamilya ng mga banta matapos siyang i-brand ng dating pangulo na protector ng drug trade.

Si dela Rosa ang nanguna sa madugong drug war ni Duterte bilang dating chief ng Philippine National Police.

Samantala, nagbigay ng kanyang komento ang senador sa hamon ni Acop, at sinabing, “You and me were both raised by the same Academy. You and me both served the same branch of service. All I can say sir is: lam alright sir! I did not hide behind the skirt of my mother when I fought the terrorists and the insurgents with bullets flying all over, then why should I hide from somebody’s skirt now knowing that your words can not kill me?”

Photo credit: House of Representatives website, Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila