Ibinunyag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakahanap na siya ng kapalit para kay Interior Secretary Benhur Abalos Jr., na magbibitiw sa kanyang puwesto para sa kanyang senatorial bid sa 2025 elections. Ayon kay Marcos, dalawang pangalan na lang ang natitira sa shortlist ng mga posibleng pumalit kay Abalos.
Bagama’t hindi pa binanggit ng Pangulo ang bagong Department of the Interior and Local Government (DILG) secretary, sinabi niyang iaanunsyo ito matapos pormal na mag-file ng certificate of candidacy si Abalos. Pinasalamatan din ni Marcos si Abalos sa mahusay na pamumuno nito bilang kalihim ng departamento.
“I don’t want him to feel that we’re already pushing him out, considering, especially, that he has done such a good job as [interior secretary],” saad ng pangulo. “So when he will file, we will also announce his replacement,” dagdag pa niya.
Kasama si Abalos sa senatorial slate ni Marcos na “Alyansa para sa Bagong Pilipinas.”
Photo credit: Facebook/benhur.c.abalos, Facebook/pcogovph