Tatakbong bilang mayor ng Albuera, Leyte ang umano’y drug lord na si Rolan “Kerwin” Espinosa. Dating mayor ng nasabing lugar ang ama ni Kerwin bago ito napaslang sa loob ng kulungan kung saan siya naka-detain dahil sa kaso ng illegal drug trade.
Sa kanyang official Facebook page, ipinakita ni Kerwin ang kanyang Certificate of Candidacy na isinampa noong Oktubre 1, kasama ang mga larawan ng kanyang supporters mula sa Bando Espinosa-Pundok Kausaban (BE-PK) party.
Tumakbo si Espinosa upang umano’y tulungan ang mga inaapi, anuman ang edad at estado sa buhay. Ang kanyang kandidatura ay laban kay incumbent Mayor Sixto Dela Victoria.
Pinalaya si Espinosa mula sa kulungan matapos ibasura ng Regional Trial Court ng Baybay City ang isang kaso laban sa kanya dahil sa kakulangan ng ebidensya.
Matatandaang noong 2016, isinangkot siya ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa illegal drug trade sa Eastern Visayas, kasama ang kanyang ama na si Rolando Espinosa Sr., na pinaslang sa loob ng kulungan noong parehong taon.
Photo credit: Senate official website