Sunday, November 24, 2024

MEMBERS’ CHAMPION! Macasaet Nagpaalam Sa SSS Pero Legacy Mananatili

2481

MEMBERS’ CHAMPION! Macasaet Nagpaalam Sa SSS Pero Legacy Mananatili

2481

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nagpaalam na si Rolando Ledesma Macasaet bilang presidente at chief executive officer ng Social Security System (SSS) matapos ang halos dalawang taong pamumuno. Vice chairperson din si Macasaet ng Social Security Commission, ang policy-making body ng SSS.

Mula nang umupo siya noong January 2023, ibinuhos ni Macasaet ang kanyang oras sa pagpapalawak ng coverage ng SSS upang mas maraming Pilipino ang makinabang. 

Sa loob ng dalawang taon ng kanyang panunungkulan, naging champion si Macasaet sa pagtiyak na ang bawat Pilipino ay makakakuha ng pension fund.

Kasama sa mga accomplishments ni Macasaet ang pagpapalawak ng access sa social security protection para sa mga Pilipino sa pamamagitan ng extensive membership coverage drives sa buong bansa. Sa katunayan, umakyat sa tatlong milyon ang mga bagong miyembro ng SSS mula Enero hanggang Setyembre ng taong ito, isang historic milestone para sa ahensya.

Umaasa ang SSS na aakyat pa sa apat hanggang limang milyon ang bagong miyembro nito sa katapusan ng taon.

Isa rin sa kanyang mga ipinaglaban ay ang pagbibigay ng SSS benefits para sa mga job order (JO), contract of service (COS), at mga barangay worker na hindi sakop ng Government Service Insurance System. Sa ilalim ng KaSSSangga Collect Program, higit kalahating milyong JO at COS workers ang naipasok sa SSS. Ngayon, may mahigit 3,300 KaSSSangga partners na tumutulong sa programa sa buong bansa.

Upang mas mapalapit ang serbisyo sa mga komunidad, inilunsad ni Macasaet ang SSS eWheels at E-Center sa Barangay. Sa pamamagitan ng mga mobile service vehicles at e-centers sa barangay, nagagawang maabot ng SSS ang mga miyembrong nasa malalayong lugar.

Pinamunuan din niya ang rebranding ng MySSS Pension Booster na naglalayong palakihin ang retirement savings ng mga miyembro. Bukod pa rito, inilipat niya ang ilang SSS branches sa mga mall para gawing mas accessible at makatipid ng halos P1 bilyon sa rent at renovation expenses.

Bilang isang “listening leader,” nagbigay-diin si Macasaet sa pakikinig sa feedback ng mga miyembro, employers, at stakeholders para patuloy na pagandahin ang serbisyo ng SSS. Sa kabila ng kanyang pag-alis, ang mga reporma at inisyatibo na kanyang sinimulan ay magpapatuloy para sa ikabubuti ng mga Pilipino.

Photo credit: Facebook/MYSSSPH

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila