Dear PBBM,
Magandang araw po!
Gusto ko lang po sanang ilabas ang aking saloobin tungkol sa mainit na usapin ngayon — ang pagkakatalaga ninyo kay Cavite Gov. Jonvic Remulla bilang bagong Department of Interior and Local Government secretary.
Hindi ko itatanggi na malawak ang karanasan ni Jonvic Remulla sa paglilingkod. Mahigit tatlong dekada na siyang naninilbihan sa Cavite, at nakita natin kung paano siya nagtagumpay sa ilang aspeto gaya ng serbisyong pangkalusugan, edukasyon, at paghahanda sa sakuna.
Pero bilang isang mamamayang may malasakit, may ilang bagay akong gustong bigyang pansin.
Isa sa mga bumabagabag sa akin ay ang tila pag-ikot ng mga mataas na posisyon sa iilang pamilya. Hindi ba at magkapatid sina Jonvic at Boying Remulla, na kalihim naman ng Department of Justice? Wala namang masama sa paglilingkod, pero paano naman ang ibang Pilipinong kwalipikado at handang magsilbi, pero walang malalaking apelyido? Di ba’t dapat bigyan din natin sila ng pagkakataon?
Sa huli, tungkulin nang mga mamamayan na bantayan ang mga lider ng bansa. Mahalaga ang transparency at pananagutan, lalo na sa mga posisyong may kinalaman sa seguridad at kaayusan ng bansa tulad ng DILG. Sana ay tiyakin ninyo na ang pamahalaan ay naglilingkod para sa ikabubuti ng lahat, hindi lang para sa ilang indibidwal o pamilya.
Gumagalang,
Carlo Bautista
Photo credit: Screengrab from Facebook/rtvmalacanang
Disclaimer: The views and opinions expressed by the author in this piece do not necessarily reflect those of Politico.ph’s management and staff.
Gusto mo bang mag-rant? Libre din naman mag-thank you pag ok ang serbisyo. Write ka lang sa DEAR POLITICO! Send your letters to [email protected].