“Magkaroon naman kayo ng kaunting hiya,” iyan ang banat ni Senador Risa Hontiveros kay Apollo Quiboloy, ang lider ng Kingdom of Jesus Christ (KJC) at tatakbong senador sa 2025, sabay paalala sa mga Pilipino na huwag iboto ang mga lumalabag sa batas.
Sinabi niyang nakakabahala na isang taong may kinakaharap na mga kaso gaya ng human trafficking at child abuse ay naglalakas-loob pang tumakbo para sa isang legislative position.
Ayon sa mambabatas, bagama’t karapatan ni Quiboloy na tumakbo, tiwala siyang alam ng mga Pilipino ang tamang pagpili ng mga lider. “Huwag nating iboto ang mga lumalabag sa batas bilang mambabatas,” diin niya.
Si Quiboloy ay nahaharap sa iba’t ibang kasong kriminal at inaresto nitong Setyembre matapos ang ilang buwang pagtatago. Pinangunahan din ni Hontiveros, bilang chair ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality, ang imbestigasyon sa mga alegasyon laban sa pastor, na kalauna’y tumanggi at nag-resulta sa mga arrest orders mula sa Senado at mga korte.
Photo credit: Facebook/senateph, Facebook/pnagovph