Friday, November 22, 2024

WA NA KONTAK? Hontiveros Sa DFA: Double Time Sa Chinese Spy!

1611

WA NA KONTAK? Hontiveros Sa DFA: Double Time Sa Chinese Spy!

1611

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Nanawagan si Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros sa Department of Foreign Affairs (DFA) na mag double time sa pangako nitong kakapanayamin si She Zhijiang, isang umaming Chinese spy na kasalukuyang nakakulong sa Thailand. 

Ayon kay Hontiveros, nalaman nila mula sa media na inilipat na ng kulungan si She at hindi na nila makausap.

Tiwala siyang gagamitin ng DFA ang lahat ng legal at diplomatic na paraan para bigyan sila ng access kay She. Ipinapaalala niyang ang impormasyon ni She ay mahalaga para maimbestigahan ang dating mayor ng Bamban, Tarlac, na si Alice Guo.

Si Guo, na kilala rin bilang Guo Hua Ping, ay itinurong agent ng Chinese Ministry of State Security — isang intelligence at secret police agency ng Tsina — ayon sa pahayag ni She sa isang Al Jazeera documentary. 

Pinaalalahanan ni Hontiveros ang pamahalaan na dapat kumilos agad: “Kung hindi agarang kikilos ang pamahalaan, mawawalan tayo ng pagkakataon na pag-aralan ang impormasyon na hawak ni She, lalo na sa koneksyon ni Guo Hua Ping, at ng iba pang indibidwal, sa Ministry of State Security, o ang intelligence at secret police agency ng Tsina.” 

Mariing namang itinanggi ni Guo na siya’y isang spy, at sinabing pinag-aaralan ng kampo niya ang posibilidad ng paghahain ng kaso laban sa Al Jazeera dahil sa “malisyosong paratang.” 

Bukod sa qualified human trafficking at graft cases sa mga korte ng Pasig at Valenzuela, humaharap rin si Guo sa 87 kaso ng money laundering at reklamo para sa tax evasion, perjury, at falsification sa Department of Justice.

Kasabay nito, sinabi ni Hontiveros na may hawak ding impormasyon si She na isa sa Yang brothers ay posibleng foreign agent. Ngunit itinanggi ni Guo at ng pamilya Yang ang anumang kaugnayan nila kay She. 

“Failure is not an option,” diin ni Hontiveros, sabay sabing dapat protektahan ng pamahalaan ang mga Pilipino mula sa mga dayuhang ahenteng nagtatangkang sirain ang seguridad ng bansa.

Photo credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila