Tuesday, December 3, 2024

ITATAPON SI APO SA WPS? Remulla: Banta Ni Sara, Lumabag Sa Moralidad!

2064

ITATAPON SI APO SA WPS? Remulla: Banta Ni Sara, Lumabag Sa Moralidad!

2064

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Pinag-aaralan ngayon ng Department of Justice (DOJ) ang posibleng mga “legal consequences” ng mga nakakaalarmang pahayag ni Vice President Sara Duterte, partikular ang kanyang banta na huhukayin ang katawan ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. at itatapon ito sa West Philippine Sea. 

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, ang binitawang salita ng bise presidente ay “lumabag sa moral principles” at nararapat na siyasatin para sa legal na aspeto nito.

“There are many approaches to that, but it desecrates the memory of a person, it desecrates the peaceful state that he must be in, having already passed away, and it disturb[s] the body,” aniya. 

Dagdag pa ng kalihim, “very disturbing” kung ganun ang pag-iisip, lalo na’t mataas ang posisyon na hawak ng taong nagsabi nito.

Ayon pa sa kanya, posibleng isang libel case ang pahayag na ito ni Duterte lalo na’t may elemento ng di-paggalang sa yumao. Ayon sa Article 353 ng Revised Penal Code, sakop ng libelo ang pagkasira ng pangalan o alaala ng isang tao, buhay man o patay.

Sinabi ni Remulla na bagamat wala siyang tinukoy na partikular na probisyon, ang mga pahayag ng bise ay malinaw na taliwas sa moralidad.

Photo credit: Facebook/OfficeOfTheVicePresidentPH, Facebook/DOJPHofficial

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila