Sunday, November 24, 2024

OPEN SECRET? Culture Of Silence Sa DDS, Binulgar Ni Garma

1449

OPEN SECRET? Culture Of Silence Sa DDS, Binulgar Ni Garma

1449

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Sinabi ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Royina Garma na “common knowledge” sa mga pulis sa Davao City ang mga lihim na operasyon ng Davao Death Squad (DDS).  

Sa isang supplemental affidavit na isinumite niya sa Quad Committee ng Kamara, ibinunyag ni Garma na simula noong nakatalaga siya sa Davao noong 1997, nalaman niyang halos lahat ng mga station commander ay may special team para sa partikular na mga operasyon. Dagdag pa niya, umiiral ang “culture of silence” sa hanay ng mga pulis, kaya’t hindi lantaran pinag-uusapan ang DDS.

Ibinunyag din ni Garma ang diumano’y reward system na nagbibigay ng insentibo sa mga pulis para patayin ang mga hinihinalang drug suspect, na may premyo mula P20,000 hanggang P1 milyon depende sa target. Inalala niya ang isang operasyon noong 2012 kung saan siya mismo ay nakatanggap ng P20,000 matapos ang pagkapatay ng isang suspek.

Sinabi ni Garma na tumanggap siya ng tawag mula kay “Lt. Col. Padua,” isang intelligence officer sa ilalim ng dati’y Davao City Police director na si Ronald “Bato” Dela Rosa. Ilang oras matapos ang tawag, nalaman niyang may isang lalaking suspek na napatay.

“From that operation, I received PHP20,000 from Sgt. Suan provided by Boy Alce,” saad ni Garma. Si Alce, dagdag pa niya ay ang tao na assigned sa pag-distribute ng rewards sa mga officers. 

Sa isa pang insidente, inalala ni Garma ang pagpatay sa isang drug user malapit sa GT Gasoline Station sa Panacan, Davao. Ayon kay Garma, naaalala niya ang taong ito dahil sa umaga ng araw ng kanyang pagkamatay, sinabihan siya ng duty desk officer na pumunta ang biktima sa kanilang opisina at nag-iwan ng imahen ng Holy Family. Sinabi rin ng biktima sa mga tao ni Garma na galing ito sa misa at masaya ito. 

Ilang oras lamang, patay na ang taong ito. Nang tanungin ni Garma tungkol sa insidente, sinabi ni Police Staff Sgt. Suan na ang pagpatay ay na-coordinate ni Alce. Wala umanong pahintulot mula sa kanyang opisina ang operasyon, at hindi rin siya naabisuhan.

Ipinahayag din ni Garma na ang mga ulat ng matagumpay na operasyon ay isinusumite buwan-buwan upang makakuha ng reimbursement para sa mga gastusin tulad ng buy-bust money at gasolina.

Isang tauhan ni ngayo’y Senador Bong Go na si Irmina “Muking” Espino ang umano’y namamahala sa mga reimbursement, ngunit walang pormal na dokumentasyon ang kinakailangan para sa mga bayad na may kinalaman sa pagpatay ng mga suspek. 

Photo credit: Facebook/HouseofRepsPH

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila