Dear Politico,
Nabalitaan ko ang na parehong sumailalim sa hair follicle drug tests sina Davao City Representative Paolo Duterte at kalaban niyang si PBA Party-list Rep. Margarita Nograles matapos ang hamon ni Vice President Sara Duterte na magpa-drug test ang mga kakandidato sa 2025 elections.
Nakakatuwa naman ang sa pagkukusang-loob nila na sumailalim sa hair follicle drug test upang patunayan ang pagiging malinis sa mga isyung may kaugnayan sa droga. Sa hakbang na ito, ipinapakita nila ang accountability at transparency na mahalaga sa bawat pinunong naglilingkod sa bayan.
Pero hindi sana dito magtapos ang kanila pagsisikap para sa bukas at tapat na pamumuno. Hindi natatapos sa isang drug test ang pagiging isang tunay na pinuno; marami pa ring mga aspeto ng accountability ang mahalagang isulong—mula sa tamang paggamit ng pondo ng bayan hanggang sa pagpapakita ng integridad sa lahat ng desisyon at aksyon.
Ang ginawa nila ay magsilbi sanang paalala sa lahat ng kandidato na maging handa at bukas sa mga isyung may kinalaman sa kanilang kredibilidad at integridad. Huwag sanang maging isang pang-media lamang ang mga ganitong hakbang. Ang gusto namin ay ang patuloy na pagpapakita ng integridad at katotohanan sa bawat hakbang, lalo na’t papalapit na ang araw ng aming pagpili sa susunod na lider ng bayan.
Gumagalang,
Maria Lourdes Santos
Photo credit: Facebook/officialpdplabanph, House of Representatives website
Disclaimer: The views and opinions expressed by the author in this piece do not necessarily reflect those of Politico.ph’s management and staff.
Gusto mo bang mag-rant? Libre din naman mag-thank you pag ok ang serbisyo. Write ka lang sa DEAR POLITICO! Send your letters to [email protected].