Hindi hihingi ng paumanhin si dating pangulong Rodrigo Duterte sa naging aksyon ng kanyang administrasyon laban sa droga pero sinabing inaako niya ang “buong responsibilidad.”
Sa harap ng Senate blue ribbon subcommittee, ipinagtanggol nya ang kapulisan at nakiusap na huwag silang idamay.
“I and I alone, take full legal responsibility sa lahat ng nagawa ng mga pulis pursuant to my order. Ako ang managot at ako ang makulong. ‘Wag ang pulis na sumunod sa order ko. Kawawa naman, nagtatrabaho lang,” saad ng dating pangulo.
Inihayag niya rin na ang drug war ay para sa proteksyon ng mga Pilipino na isa sa kanyang mandato bilang pangulo. Paniwalaan man daw siya o hindi, ginawa niya ang war on drugs para sa bansa.
“My mandate as President of the Republic was to protect the country and the Filipino people. Do not question my policies because I offer no apologies, no excuses. I did what I had to do,” ani Duterte
Dagdag pa niya: “The war on drugs is not about killing people. It is about protecting the innocent and the defenseless. The war on drugs is about the eradication of illegal substances such as shabu, cocaine, heroin, marijuana, party drugs, and the like.”
Bukod sa kanyang mga matapang na pahayag, sinabi rin ng dating presidente na dati pa niyang inutusang iwasan ng mga pulis at sundalo ang pang-aabuso, mula pa nang mayor siya sa Davao City hanggang naging presidente. Pero sa mga tumatangging sumuko, mayroong maliwanag na utos si Duterte:
“Kung may armas, at pakiramdam mong mamamatay ka, barilin mo. Sa ulo. ‘Yun ang utos ko noon pa,” aniya.
Nanindigan din ang dating pangulo na ang mga adik ay dapat ituring bilang mga pasyenteng nangangailangan ng tulong medikal, hindi bilang kriminal.
“No mistake about it, I hate drugs. I loathe the purveyors, the merchants, and the pushers of this demonizing element. I have not failed to emphasize this from the very day of the campaign when I ran for the presidency in 2016. This was my covenant to Filipinos who believed in me,” aniya.
Ayon sa gobyerno, 6,200 ang napatay na drug suspects mula 2016 hanggang 2021, ngunit ayon sa mga human rights groups, posibleng umabot pa ito sa 30,000 dahil sa mga hindi naiulat na insidente.
Photo credit: Facebook/officialpdplabanph