Monday, November 4, 2024

DIGONG SA SELDA? Kamara, Handang Kasuhan Si Duterte Sa EJK!

33

DIGONG SA SELDA? Kamara, Handang Kasuhan Si Duterte Sa EJK!

33

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Mainit na usapin ngayon sa Kamara ang panawagan na kasuhan si dating pangulong Rodrigo Duterte matapos niyang akuin ang “full legal responsibility” sa mga umano’y extrajudicial killings (EJK) ng anti-drug campaign noong kanyang termino.

Pinangunahan ni Deputy Majority Leader Jude Acidre ng Tingog party-list ang panawagang ito, at iginiit na ang pag-amin ni Duterte ay malinaw at dapat bigyang aksyon. 

“The former president has publicly accepted responsibility for these deaths. If we truly stand by our principles of justice and the rule of law, then Mr. Duterte must be held accountable,” aniya.

Ayon sa mamababatas, ang problema sa drug war ay ang “harsh at madugong” implementasyon nito, na umano’y lumabag sa karapatang pantao ng maraming inosente.

“Ang resulta: Nalihis tayo sa landas ng hustisya, at nagresulta ng maraming nakitil na inosenteng buhay,” aniya.

Samantala, sinabi naman ni House Assistant Majority Leader Jay Khonghun ng Zambales First District na ang pag-amin ni Duterte ay isang pagkakataon para patibayin ang commitment ng bansa sa rule of law.

“This is a critical time for our institutions to show their strength by pursuing the legal accountability that so many families have waited for,” aniya.

Nagpahayag naman sia Lanao del Sur 1st District Representative Mohamad Khalid Dimaporo na walang sinuman, kahit ang dating pangulo, ang dapat na mas mataas sa batas. Saad niya, kailangang maipakita ng pamahalaan na kaya nitong maghatid ng hustisya para sa mga biktima.

Nagbigay din ng pahayag si House Assistant Majority Leader Mika Suansing ng Nueva Ecija 1st District na kailangan ng judiciary at investigative bodies na magserbisyo ng hustisya base sa sariling salita ni Duterte.

Si Rep. Bienvenido Abante Jr., co-chair ng House Quad Committee, ay nanawagan sa Department of Justice at Office of the Ombudsman na pag-aralan ang pagsampa ng kaso. Binanggit niya ang ebidensyang nakalap sa imbestigasyon ng Kamara, kabilang ang umano’y “reward system” na naging sanhi ng pagpatay ng mga drug suspect. 

Tinapos ni Duterte ang kanyang testimonya sa Senado sa pag-ako ng “buong legal na responsibilidad” sa lahat ng aksyon ng mga pulis alinsunod sa kanyang mga utos. “Ako ang managot, ako ang makulong,” aniya. 

Sinabi naman ni dating Senadora Leila de Lima na bilang Justice secretary mula 2010 hanggang 2015, wala siyang sapat na ebidensya at walang saksi laban kay Duterte noon, kaya’t hindi niya naisulong ang mga kaso sa panahong iyon.

Photo credit: Facebook/officialpdplabanph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila