Thursday, November 28, 2024

DRAMA LANG? Duterte Probe, ‘Political Theatrics’ Lang – Alvarez

27

DRAMA LANG? Duterte Probe, ‘Political Theatrics’ Lang – Alvarez

27

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Walang bagong impormasyong lumabas na makakapagbigay ng batayan para sa kasuhan si dating pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng kanyang mga polisiya sa war on drugs, ayon kay dating House speaker Pantaleon Alvarez.

“Natapos ang pagdinig na walang lumabas na bago, walang mahalagang bagong impormasyon, at walang batayan para sa anumang kaso na puwedeng isampa. Lahat ng sinabi ni Pangulong Duterte, sinabi na rin niya dati yan, ipinangako pa nga niya noong 2016. Supportado ng taong-bayan yung desisyon nya simulan ang war on drugs, crime, at corruption,” aniya na tinuntukoy ang pagdinig ng House quad committee noong November 13.

Ayon pa sa kinatawan ng Davao del Norte, isa lamang “political theatrics” ang hearing na aniya’y tila para lamang sirain ang dating pangulo bago ang halalan 2028.

Aniya, imbis na mawasak ang reputasyon ni Duterte, mas nakakuha pa ito ng simpatya sa publiko. “Nakita ng tao yung tapang at malasakit niya. Yung quad comm, para lang sirain siya, pero nagba-backfire. Sincere si Duterte nung anim na taon siyang Pangulo,” dagdag ni Alvarez. 

Mataas pa rin ang popularidad ni Duterte, na ayon sa mga survey, walo sa sampung Pilipino ang sumusuporta sa kanyang kampanya laban sa droga at kriminalidad.

Binanggit din ng mambabatas ang posibilidad ng muling pagtakbo ni Duterte sa pagkapangulo sa 2028. Nilinaw niyang ang pagbabawal sa reelection ay para lamang sa incumbent president. “Pwede siyang tumakbo ulit, gaya ng mga Senador na bumabalik sa pwesto pagkatapos ng break. Let the people decide,” paliwanag ni Alvarez.

Sinabi pa niya na ang mga panawagan para ibalik ang dating pangulo ay bunga ng pagkadismaya ng tao sa mga hindi natutupad na pangako ng kasalukuyang administrasyon.

“Bumaba ba ang presyo ng bigas? Tumaas pa nga. Nararamdaman ng tao ang pagkukulang sa mga isyu tulad ng trabaho, bilihin, at kriminalidad,” saad ng kongresista.

Sa huli, hinikayat niya ang mga Pilipino na suportahan muli si Duterte sa halalan: “Bakit hindi natin siya ibalik? Taposin na ang sindikato sa lipunan at gobyerno. Hindi tulad ng iba, si Duterte—tunay na para sa bayan.”

Photo credit: Facebook/HouseofRepsPH

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila