Umigting ang tensyon sa Senado kamakailan nang hamunin ni Senador Raffy Tulfo si Sen. Cynthia Villar na magpa-lie detector test kaugnay ng kontrobersya sa Masungi Georeserve. Ang isyu ay nag-ugat sa umano’y hindi pag-imbita sa kinatawan ng Masungi Georeserve sa isang aktibidad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).
Sa interpellation para sa 2025 budget ng DENR, inakusahan ni Tulfo ang ahensya na nag-imbita ng mga quarrying personalities na may isyu sa DENR, habang hindi isinama ang Masungi Georeserve.
Ayon sa kanya, ang inimbita lamang ay yung dalawang quarriers na may kinanselang permit noong 2022.
Sinagot ito ni Villar sa pagsasabing inimbitahan ang Masungi sa pamamagitan ng Masungi Rock Agency Council ngunit hindi umano tumugon. Pinasaringan din niya ang grupo sa pagtatayo ng “resort” imbes na socialized housing sa Baras, Rizal.
“Kung gusto niyo magkaalaman, magpa-lie detector test tayo,” hamon ni Tulfo.
Tumugon naman si Villar na ipapakita nila ang dokumento ng imbitasyon sa council kung saan miyembro ang Masungi.
Photo credit: Facebook/senateph