Mariing sinabi ni National Security Adviser Eduardo M. Año na itinuturing ng National Security Council (NSC) na seryoso ang lahat ng banta laban sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr..
Aniya, ang kaligtasan ng Pangulo ay isang mahalagang isyu ng pambansang seguridad na hindi dapat balewalain. Ayon kay Año, nakikipag-ugnayan na sila sa law enforcement at intelligence agencies para imbestigahan ang nature ng banta, mga posibleng sangkot, at ang kanilang mga motibo.
Hinimok din ng NSC ang publiko na manatiling kalmado at magtiwala sa kakayahan ng security sector na protektahan si Marcos at ang mga demokratikong institusyon ng bansa.
“We shall do our utmost in defense of our democratic institutions and processes which the President represents,” ani Año.
“We underscore that the safety of the President is a non-partisan issue, and we stand united in our commitment to upholding the integrity of the office and the democratic institutions that govern our great nation,” dagdag pa niya.
Ang pahayag na ito ay kasunod ng kontrobersyal na banta ni Vice President Sara Duterte na sinabing, may iniutos na siyang planong paghihiganti sakaling siya ay mapatay. “No joke,” dagdag pa ni Duterte.
Photo credit: Facebook/pnagovph