Wednesday, January 22, 2025

PANGULO BINANTAAN? VP Sara Kinastigo Ng Kamara

2271

PANGULO BINANTAAN? VP Sara Kinastigo Ng Kamara

2271

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Mariing kinondena ng mga lider ng House of Representatives ang kontrobersyal na banta ni Vice President Sara Duterte laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Naghayag ng kanilang suporta kay Marcos sina Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., Deputy Speaker David Suarez, at Majority Leader Manuel Jose Dalipe kasabay ng panawagan ng pananagutan para kay Duterte. 

“Ang pagbabanta sa buhay ng Pangulo ay hindi lang krimen – ito ay senyales ng kawalang-kakayahan na mamuno nang maayos. Ang ganitong asal ay nagpapakita ng problema kung papaano mag-isip ang isang lider na dapat ay nagtutulak ng pagkakaisa, hindi kaguluhan,” ani Gonzales.

Tinawag naman ni Suarez ang mga aksyon ng Pangalawang Pangulo bilang “clear danger to the nation.” Bukod dito sinabi rin niya na ang naging asal ni Duterte ay nagpapakita ng kawalang kakayahan na mamuno nang maayos. 

“Her behavior only proves that her actions may cause discord in our people, making them a danger to the nation. Mismong Pangulo na natin ang umalma. Unity po ang panawagan ni PBBM, pero may bounds po ang pagkakaisa kung ang kasama niyo ay pinagbabantaan ang inyong buhay,” saad ng mambabatas. Dagdag pa niya, ang naging asal ng bise ay hindi simpleng pananabotahe; ito ay pagsubok sa katatagan ng Republika.

Samantala, sinabi ni Dalipe na ang banta laban kay Marcos ay isang “pagtataksil sa bayan” at dapat itong sagutin sa ilalim ng batas. “Kung ang isang opisyal ay kayang magbitiw ng ganitong banta, ano pa kaya ang kayang gawin ng lider na wala nang takot sa batas?” tanong niya.

Suportado rin ng mga mambabatas ang panawagan ng Pangulo para sa respeto sa demokratikong proseso at accountability. Sinabi ni Gonzales, “Walang sinuman ang exempted sa batas, kahit ang Pangalawang Pangulo.” 

Tinuligsa rin ng mga kongresista ang hindi pakikipagtulungan ni Duterte sa mga imbestigasyon at ang paggamit ng incendiary rhetoric. Anila, ang ganitong asal ay sumisira sa tiwala ng publiko sa kanilang mga lider.

Photo credit: Facebook/HouseofRepsPH

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila