Wednesday, January 15, 2025

DAHIL SA RESIDENCY! COC Ni Marikina Mayor Teodoro, Nakansela

2043

DAHIL SA RESIDENCY! COC Ni Marikina Mayor Teodoro, Nakansela

2043

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Pinawalang-bisa ng Commission on Elections (Comelec) ang Certificate of Candidacy (COC) ni Marikina City Mayor Marcelino Teodoro para sa unang distrito ng lungsod sa 2025 elections. Ayon sa Comelec First Division, nagkaroon umano siya ng material misrepresentation kaugnay ng residency requirement para sa naturang posisyon.

Ayon sa 25-pahinang desisyon, napatunayang si Teodoro ay hindi residente ng unang distrito ng Marikina nang isang taon bago ang eleksyon. Bagama’t ipinanganak siya sa nasabing distrito at naging unang kinatawan nito noong 2007, itinuring na inabandona ng alkalde ang kanyang domicile of origin nang lumipat sa ikalawang distrito noong 2018.

“There is also no prohibition for the respondent to return to his domicile of origin and restore his legal residence therein. But for purposes of election, respondent must provide sufficient proof that he has re-established his residence in his domicile of origin, for a period of not less than one year immediately preceding the day of the 2025 NLE (National and Local Elections),” saad pa ng Comelec.

Base sa petisyon nina dating Senador Aquilino Pimentel III at Leighrich Estanislao, nakasaad sa COC ni Teodoro na siya ay residente ng unang distrito sa loob ng isang taon at isang buwan, pero lumabas sa imbestigasyon na mula 2018 ay nanirahan ang Marikina mayor sa ikalawang distrito, partikular sa Loyola Grand Villas, Barangay Tumana. 

Ayon sa Comelec: “Respondent deliberately committed material misrepresentation in his COC… Hence, we are constrained to grant these Petitions and order the cancellation of his COC.”

Sa kabila ng desisyon, naghayag si Teodoro ng intensyon na maghain ng Motion for Reconsideration sa loob ng limang araw. Tinawag niyang “politically motivated” ang mga petisyon laban sa kanya at iginiit na magiging kandidatong lehitimo pa rin siya habang hindi pa pinal ang desisyon. 

Dagdag pa ng alkalde, pinayagan ng local Comelec ang kanyang voter’s transfer, na patunay umano ng kanyang residency sa unang distrito.

Photo credit: Facebook/MarikinaCityPIO

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila