Monday, December 16, 2024

IWAS-CANCER! Escudero, Naglatag Ng Mga Hakbang Para Walisin Ang Katiwalian

9

IWAS-CANCER! Escudero, Naglatag Ng Mga Hakbang Para Walisin Ang Katiwalian

9

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Hinimok ni Senate President Chiz Escudero na gawing pangkalahatang adbokasiya ang laban kontra korapsyon, lagpas sa anumang partidong kulay o paniniwala. Sa kanyang talumpati sa 5th State Conference ng United Nations Convention Against Corruption (UNCAC) sa Malacañang, idiniin ni Escudero ang pangangailangang patuloy na labanan ang “cancer” ng katiwalian na sumisira sa pamahalaan.

Aniya, hindi pwedeng balewalain ang korapsyon dahil para itong cancer na kapag pinabayaan, kakalat at sisira sa lahat ng antas ng gobyerno.

“For the battle against corruption is one which we cannot lose. The stakes are simply too high, the consequences too grave and the cost of failure too catastrophic to fathom,” dagdag pa ng senador.

Sa kanyang speech, nagbigay si Escudero ng pitong istratehiya para mapalakas ang kampanya laban sa katiwalian:

  1. Digitalization: I-modernize ang sistema para gawing mas transparent ang bayarin, permits, at gastusin ng gobyerno.
  2. Rule Simplification: Bawasan ang komplikado at nakakalitong proseso na nagiging ugat ng katiwalian.
  3. Local Engagement: Bigyan ng mas malaking papel ang mga lokal na pamahalaan sa pagsugpo ng korapsyon sa kanilang nasasakupan.
  4. Clear Guidelines: Gumamit ng malinaw na lengguwahe sa lahat ng proseso ng gobyerno para iwas-duda.
  5. Whistleblower Protection: Bigyan ng proteksyon ang mga taong nagsisiwalat ng katiwalian.
  6. Risk-Averse Budgeting: Putulin ang pondo ng mga programang madaling maabuso.
  7. Incentives for Best Practices: Bigyan ng reward ang mga ahensyang matagumpay na nagpapakita ng integridad at epektibong serbisyo.

Ayon kay Escudero ang corruption ay nagmumula sa labis na kapangyarihan at diskresyon. “Bawasan ang diskresyon, mababawasan ang korapsyon. Alisin ang diskresyon, mawawala ang korapsyon,” dagdag pa niya. 

Pinuri rin ng mambabatas ang tagumpay ng Integrity Management Program, na tumatawid sa tatlong administrasyon – Aquino, Duterte, at Marcos. Sinabi rin niyang patuloy na gagamitin ng Senado ang oversight power nito para bantayan at sugpuin ang mga katiwalian sa gobyerno.

Photo credit: Facebook/senateph

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila