Hiling ng House panel sa Philippine Statistics Authority (PSA): Beripikahin ang mga civil registry records ng 676+1 na tao na nakalista daw bilang “recipients” ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education sa ilalim ni Vice President Sara Duterte.
Sa sulat na pinadala ni House Committee on Good Government and Public Accountability Chairman Joel Chua noong December 5, hiniling nito kay PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa na kumpirmahin kung existing nga ang mga birth, marriage, at death records ng mga pangalan sa acknowledgment receipts (ARs) na isinumite ng OVP.
Ginawa ang panawagan matapos madiskubre ng House of Representatives na ang isa sa sa mga recipients na si “Mary Grace Piattos,” ay fictitious identity.
Ayon sa PSA, walang birth, marriage, o death records si Piattos. Dahil dito, duda si Deputy Majority Leader Paolo Ortega na iba pang pangalan sa mga resibo ay totoo. “Kung false ang isa, paano ang iba? Baka systemic fraud na ito,” aniya.
Dagdag pa ni Tingog Party-list Representative Jude Acidre: “‘Falsus in uno, falsus in omnibus’—kung fake ang isa, questionable lahat.” Pinaiimbestigahan na ang P500-milyong confidential funds na ginastos mula 2022 hanggang 2023.
Photo credit: Facebook/HouseofRepsPH