Sunday, January 5, 2025

ALIAS SA LIQUIDATION? Ex-COA Chief: Confidentiality Hindi Dapat Gamitin Na ‘Palusot’

378

ALIAS SA LIQUIDATION? Ex-COA Chief: Confidentiality Hindi Dapat Gamitin Na ‘Palusot’

378

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Ayon kay dating Commission on Audit (COA) Commissioner Heidi Mendoza, hindi maaaring gamitin ni Vice President Sara Duterte ang “confidentiality” bilang dahilan upang iwasan ang mga tanong ng Kongreso patungkol sa paggamit ng kanyang confidential funds.

Sa isang tv interview, ipinaliwanag niya na may oversight ang Kongreso sa paggamit ng confidential at intelligence funds, alinsunod sa kanilang “power of the purse.” Ang mga ahensya ng gobyerno ay kinakailangang magsumite ng accomplishment reports sa Pangulo, Senate President, at House Speaker, base sa joint circular na nagtatakda ng mga patakaran sa paggamit ng mga pondo.

Ayon kay Mendoza, maaaring magtanong ang Kongreso hinggil sa mga accomplishment reports na isinusumite ng mga ahensya. “When they ask questions related to oversight, you cannot snub Congress,” dagdag ni Mendoza.

Inamin ni Mendoza na may posibilidad na gumamit ng aliases ang mga ahensya sa kanilang liquidation, ngunit binigyang diin niya na ito ay kailangang may malinaw na proseso at kontrol. Halimbawa, dapat may journal o record na naglalaman ng mga tunay na pangalan ng mga nakatanggap ng pondo, at ito ay maaaring ipakita kapag kinakailangan.

“Kailan mo ginamit ang alias at kailan mo ginamit ang tunay na pangalan?” tanong ni Mendoza kaugnay ng mga acknowledgement receipts ng Office of the Vice President (OVP).

Hinimok din ni Mendoza si Vice President Duterte na harapin ang isyu nang hindi umiiwas sa mga tanong ng mga mambabatas

“The country is asking, ‘how did you use the funds?’… If you insist that you will not respond to Congress, then my question is, ‘to whom will you be made accountable?’ Congress is the representative of the people,” dagdag pa ni Mendoza.

Photo credit: Facebook//OfficeOfTheVicePresidentPH, Facebook/heidi.mendoza.31586

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila