Friday, January 10, 2025

SA ISANG KUNDISYON! PBBM: P26 Bilyon Para Sa AKAP, Pero…

3

SA ISANG KUNDISYON! PBBM: P26 Bilyon Para Sa AKAP, Pero…

3

How do you feel about this story?

Like
Love
Haha
Wow
Sad
Angry

Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang Ayuda Para sa Kapos Ang Kita Program (AKAP) ay ipatutupad sa isang conditional implementation alinsunod sa 2025 General Appropriations Act (GAA). Ang programang ito ay naglalayong magbigay ng tulong pinansyal sa mga minimum-wage earners at mga pamilya na malapit sa poverty line, lalo na ang mga naapektuhan ng pagtaas ng mga bilihin.

Pondo At Koordinasyon
Ang AKAP ay ipatutupad sa pamamagitan ng koordinasyon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Labor and Employment (DOLE), at National Economic and Development Authority (NEDA). Ayon kay Pangulong Marcos, mahalagang tiyakin na ang P26 billion na alokasyon ay gagamitin ng tama at ayon sa layunin nito, upang maiwasan ang maling paggamit at maiwasan ang dobleng distribusyon ng ayuda.

Public Trust And Accountability
Paliwanag ni Marcos, “This approach is anchored on a simple yet profound truth: The appropriation of public funds must not break the public trust.” Dito, binigyang diin ng Pangulo ang kahalagahan ng accountability sa pamamahagi ng mga pondo ng gobyerno.

Guidelines Para Sa Implementasyon
Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, ang pondo para sa AKAP ay mananatili, ngunit ito ay ire-release lamang pagkatapos ng pagbuo ng mga guidelines. “’Yung AKAP po is still there. It’s just that, bago natin ma-release ‘yung pondo, we need to issue guidelines po together with DSWD, DOLE and NEDA para maging consistent ‘yung pagbibigay ng AKAP sa tamang recipients at hindi magdoble-doble ‘yung binibigay natin na mga cash assistance,” aniya sa isang press briefing matapos pirmahan ng Pangulo ang 2025 GAA.

Mga Kasama Sa Conditional Implementation
Kasama rin sa conditional implementation ang mga sumusunod na programa:

  • PAyapa at MAsaganang PamayaNAn (PAMANA) Program
  • Basic Infrastructure Program
  • Rice Competitiveness Enhancement Fund
  • Natural Disaster Risk Reduction and Management Programs

Disclaimer: The views and opinions expressed on this website, including all written content, articles, and posts, are solely those of the individual authors, whether they are employees, contributors, or guest writers. These views and opinions do not necessarily reflect the official policy or position of the website's management, officers, partners, employees, affiliates, or any other associated entities. The content provided and the information contained therein are sourced independently by the respective writers and are not influenced, endorsed, or verified by the management or any other parties associated with the website. Readers are encouraged to conduct their own research and seek appropriate guidance before making any decisions based on the content of this site.

President In Action

Metro Manila